"Dude, kita nalang tayo sa bar ni Miko." saad ni Brix sa kaibigan
"Dude Brix, parang nagwawala na naman ang fake wife mo. Ang sakit sa tainga," reklamo ni Miko mula sa kabilang linya.
Pagkatapos marinig ni Brix ang pang-aasar ni Miko agad niya pinatay ang cellphone niya. "Manang, ang ingay niyo. Araw-araw nalang ba kayo magsisigawan?"
"Sir Brix si ma'am Richell po kasi. Magpapaluto ng pagkain tapos nang maluto ko na ayaw kainin. Tapos mag-uutos ulit na lutuan ulit." Sumbong ng katiwala nila
Napabuga ng hangin si Brix sa sinumbong ng katulong sa kanya. Agad niya nilapitan si Richell. "Kung ayaw mo Richell sa rules ko dito sa bahay, umuwi ka sa inyo Magsama kayo ng daddy mong halang sa pera. Manang kumain na kayo pagkatapos niyo magligpit magpahinga na kayo at huwag niyo sundin ang utos niy. Matuto siya sa gawaing bahay." Pagkabilin ni Brix sa katulong umakyat na ito sa silid niya.
Makalipas ang ilang munuto bumababa na si Brix para pumunta sa bahay ni Miko. "Aalis kana naman? Paano kami ng baby mo, lagi mo nalang kami iniiwan."
"Hindi uubra sa akin iyan, Richelle. Huwag mong gawin pain ang bata kasi kahit anong pilit kung gawin na tanggapin iyan, hindi ko magawa kaya tigilan mo na ang kahibangan mo," saad ni Brix sabay talikod.
"Nakakawalang gana. Hindi ko na alam kung nasaan si Marie. Parang may humaharang sa paghahanap ko sa kanya. Damn! I miss her too much." Dagdag pa ng kanyang isipan.
"Dude Brix, dito." Tawag nina Miko at Nathan kay Brix.
"Um-order na kayo. How's life mga dude? Mukha inlove ka yata, dude Nathan?" Nakangiting tanong ni Miko.
"Hindi naman sa ganun, dude. Nakaganti na kasi ako sa supladang kaibigan ni Marie. Remember ang babaeng ng snab sa akin noon."
"Sino si Marites? Talaga nakita mo sila?Kung ganon naandoon din si Marie?" Excited na tanong ni Brix.
"Honestly dude, hindi ko nakita si Marie. Apat lang sila anf nandoon. Tinanong ko nga din ang mga tauhan at si nanay Soling kaso ang sagot nila pare-pareho, wala daw si Marie doo." Malungkot na saad ni Nathan sa kaibigan.
"Ha! Paanong wala siya? N-Nasaan siya?"
"Hindi ko alam. Sa tingin ko iniiwasan nila mapag-usapan si Marie."
Napabuntonghininga si Brix dahil nawawalan na siya ng pag-asa na magkikita pa sila ni Marie. "Magpapadala ako ng mga tao para magmanman doon. I need to see her dahil mababaliw ako pag hindi ko pa siya nakita." Naging lasinggero siya simula hindi na nagpakita si Marie sa kanya.
Makalipas ang halos dawalang oras na pag-iinum nila. Mabilis na tinaman ng kalasingan si Brix.
"Dude Brix, ihatid kana namin sa bahay mo? Lasing kana."
"Dude Nathan, huwag mo ako ihatid sa bahay dahil may aswang doon. Sa bahay mo ako matulog, please!l?" Paki-usap ni Birix kay Miko.
"Miko ikaw na ang bahala sa kaibigan natin. Uuuwi kasi ako sa Batanggas ngayon," saad ni Nathan.
"Dude Nathan, ingat ka kay Marites dahil baka ang talong mo ay matorta. Ayaw na ayaw niya sa mga babaero kaya basted ka agad."
"Sa gwapo kung to? Wala pang babaeang uma-ayaw sa akin, dude!"
Umiling-iling si brix sa narinig nito
"Bahala ka sa buhay mo, basta pinagsabihan nakita. Huwag kang iiyak sa akin kung pinaiyak ni Marites." Paalala ni Brix sa kaibigan.
"Bahala na ang puso ko. Sa ngayon susindin ko muna. Mag-ingat kayo at umuwi na rin kayo."
Mabilis ang patakbo ni Nathan ng sasakyan niya. Simula nang masilayan niya si Marites sa isla ay nahumaling na siya sa dalaga. Napapangisi parin siya kapag naalala ang itsura ng dalaga ng pinahabol niya ito sa aso niya. Pagdating niya sa Batanggas agad siya nagpahinga dahil napagod at medyo nakainum rin siya.
Samantala nang malaman ni Mak ang pagtatanong ni Nathan tungkol kay Marie agad siya nag-desisyon kausapin ang lahat.
Gabe na siya nang makarating sa rest house niya. Agad niya hinanap ang dalaga.
"Nanay Soling, nasaan sila?"
" Maaga sila natulog sir Mak. Masama yata ang pakiramdam nila," saad ni Nanay Soling.
"Pati ba naman sa pagkakasakit kailangan sabay-sabay. Pambihirang mgkakaibigan ang mga ito. Sige, bukas nalang at matutulog na rin ako. Good night, Nanay Soling."
Kinabukasan masigla silang nagising unlike kahapon.
"Good morning beshy. Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Okay naman ako, Sol. Pero nagugutom na ako!l." Nahihiyang saad ni Marie.
"Dilikado. Mauna na ako beshy sa baba. Mamaya sabihin niya na tumalon ako diyan sa hagdan e. Ayaw ko pa mamatay," Natatarantang saad ni Bakz. Takot na siya nang marinig ang sinabi ni Marie.
"Huwag muna pansinin si Bakz. Bumangon kana diyan at baba natayo para mag-almusal. Sigurado ako na gutom na si baby," saad ni Margaret habang hinihimas ang tiyan ni Marie.
"May bisita yata si Nanay Soling. Ang lakas ng tawanan sa labas. Halikayo at silipin natin."
3rd Person
"Grabe talaga ang mukha ng bakla at ni Marites na iyon. Mukha siyang palaka nang sumampa sa sasakyan." Tawang-tawa na kuwento ni Nathan sa mga kaibigan.
"Ang pangit naman talaga niya." Maarteng saad ng katabing babae ni Nathan.
"Ohh lala! Hulicam ka ngayon, tsonggo. Wait for my revenge, gago. I'm Marites Imperial the daughter of Mr. Herudes and Mrs. Martes Imperial. We are multibillionaires tapos ito ginawa niya akong clown at pain sa aso. You will pay this one, pangit. Malaki ang bukol ko dahil sa ginawa niya. Sabihan niyo si Marie huwag muna bumaba dahil nandito si Nathan." Galit na saad ni Marites.
"Marites, mahinahon natin siyang kausapin. Alamin natin muna ang side niya bago natin husgahan," saway ni Sol kay Marites.
"Narinig niyo ein di ba? Sinadya niya na ipahabol tayo sa aso.
"So, what is your plan my dear beshy? I like your facial expression every time you make galit-galit," Maarteng saad ni Bakz.
"Naku, ikaw pina-andar muna naman pagiging half-half mo, beshy. Pero I love it. Gusto ko talaga matikman niya din ang kagat ng langgam," inis na sabat din ni Bakz
"I think girlfriend niya ang katabi niya, beshy Marites. Siguro naman puwede mo na parusahan. Magaling nlka dito." Nakangising saad ni Margaret.
"Okay let's go. Destroy him. Hi5 tayo at goodluck sa atin.
Lumapit silang lahat sa pangkat ni Mak at Nathan.
"Good morning, Mak."
"Good morning, Marites. Ang ganda mo ngayon." Nakangiting saad ni Mak
"Thank you, Mak. Hi, babe Nathan. You miss me?" Baling ni Marites kay Nathan sabay halik sa labi ng binata. Napaawang ang labi ng lahat lalo na ang babaeng katabi ni Nathan.
"Who is she Nathan?" Galit na tanong nito sa binata.
"Babe, walang ibig sabihin ang halik niya, hindi ba Marites? Inis na saad ni Nathan kay Marites.
"No way, honey. Matapos tumirik ang mata mo sa sarap doon sa Isla. Idedeny mo ako sa harapan nila. P-Pagkatapos mo kunin ang lahat sa akin. Isusumbong kita kay daddy." Pagdadrama ni Marites sabay nguso.
"I hate you Nathan. Your such a liar. Sana hindi na ako naniniwala sa iyo.. I don't want to see your face anymore. And, don't dare to come to my place dahil ipapabugbog kita," saad ng dalaga sabay takbo palabas..
Namumula sa galit si Nathan samantala ang squad chill lang at ang dalawang magkaibigan tawa nang tawa lang sa reaksyon ng nobya ni Nathan.
"Ikaw, akala mo nakakatuwa ang ginawa mo?" Galit na sigaw ni Nathan kay Marites
"Da....! Takot naman ako sa iyo Mr. Natha. Nakikita mo ba ang bukol sa noo namin? Pagkatapos mo kami ipahabol sa aso mo, wala lang kahit sorry? It's your fault kaya quits na tayo. At saka hindi ka naman lugi dahil first kiss kita. By the way, congrats for being single and rip sa heart mo," Nakangising saad ni Marites.
"Marites kain na tayo dahil gutom na kami."
"Mabuti pa nga, Bakz. Babe Nathan come here and join us. Let's eat together . Kung gusto mo subuan kita? Masarap ako este ang almusal namin." Mapang-akit na saad ni Marites sabay kindat sa binata.
Naiwan sina Mak at Nathan sa labas habang si Marie ay hindi parin makalabas ngbsilid dahil nasa baba pa si Nathan.
F***k that girl marami na siya kasalanan sa akin. Akala niya ganon lang iyon pagkatapos niya kami paghiwalayin parang wala lang sa kanya. Maniningil ako ng mahal.
Napailing nalang si Mak sa ginawa ni Marites. Habang si Nathan ay laglag balikat na umalis.