Chapter 22

1558 Words
Gulat na gulay ang mga magkaibigan nang biglang binalita ni Mak na aalis na sila papunta ng ibang bansa. "Ihanda niyo na ang mga gamit ninyo kasi mamaya ang alis natin." "Mak, sure walang atrasan na ba ito?" Medyo nagdadalawang isip na tanong ni Marisol. "Yes, as in sure na sure na kaya puwede niyo na simulan ang pag-impaki ng mga gamit niyo," saad ng binata. Napabuga ng hangin ang mga kaibigan nila habang si Mak ay lumapit kay Marie at hinimas ang tiyan nito. "Hi, baby! Kamusta ka naman diyan baby?" Nakangiting saad ni Mak . "Ikaw talaga, Mak! Don't worry okay na okay siya kaya huwag ka ng mag-alala," nahihiyang saad ni Marie. "Wait Princess sasagutin ko lang ang tawag ni Carlos." Hindi niya namalayan na maraming tawag na ang kanyang tauhan. "Hello boss. Alam na ni Assunsion ang tungkol sa pinagbubuntis ni Ma'am Marie. Alam niya na din na si Brix ang ama ng dinadala ni Ma'am Marie. Kailangan niyo umalis sa lalong madaling panahon kung hindi mapapahamak ang mag-ina." Seryosong saad ni Carlos. "F**k that bastard." Wala ng sinayang na pagkakataon si Mak. Agad sila minadali ni Mak sa pag-iimpaki ng kanilang gamit. "We need to go now. Kaya pakibilisan ang pagliligpit niyo." Mariin na utos ni Mak sa lahat. "Akala ko ba mamayang gabi pa tayo aalis? Bakit ngayon nagmamadali ka?" Nagtatakang tanong ni Margaret kay Mak. "Hindi tayo puwede maabotan ng daddy ni Richell dito. Alam niya na buntis si Marie at alam niya na din na si Brix ang ama, kaya nasa panganib silang dalawa. Alam niyo naman kung gaano ka lupit si Assunsion." "Mak, bakit hindi mo sinabi agad? 'di sana hindi na kami nagtanong pa." "Sorry Sol, ang akala ko kasi hindi niya malalaman ang tungkol kay Marie." Pagkatapos nilang mag-impaki agad sila nagpaalam sa mga katiwala nila at umalis agad. "Mag ingat kayo!" Huling saad ni Manang Soling. Isang sasakyan lang ang ginamit nila. "Sa front seat ako uupo, Mak." Saad ni Marites. "Mas maigi pa at medyo kinakabahan ako para kay Marie at sa baby kung dito sila sa unahan uupo." Medyo nasa kalagitnaan na sila nang biglang napuna nila na may sumusunod sa kanila. "Marites parang may sumusunod sa atin. Kanina ko pa 'yan nakikita ang pulang van," saad ni Bakz "Kinakabahan ako para sa anak ko." Takot na saad ni Marie! "Calm down. Hindi makakatulong sa atin kung magpapanic tayong lahat. I-safety niyong mabuti si Marie." Mariin na utos ni Mak. "Mak, may baril kanaman siguro d' ba? Akin na dahil wala na tayong choice kundi lumaban kung maipit tayo." Dalawa ang inabot ni Mak na baril kay Marites. Agad naman binigay ni Marites ang isa kay Bakz. "Beshy, ano gagawin ko dito?" Nagtatakang tanong ni Bakz. "Naku Bakz malamang ibabaril mo sa kalaban. Itutok at iputok mo lang yan sa kalaban." Bigla silang napasigaw lahat nang makarinig sila nag dalawang putok. Bang.... Bang..." s**t dalawang magkasunod na putok. Okay lang ba kayo?" Natatarantang tanong ni Marisol. Nakahinga lang ng maluwag sina Marisol at Mak nang makita na okay ang lahat. "Ano ginagawa mo, Marites?" "Ano pa ba Mak kundi lalaban. Alangan naman magpapabaril lang tayo." Seryosong saad ni Marites. "M-Marunong ka gumamit ng baril?" Kunot-noo na tanong ni Mak. "Of course. Yes, gusto mo i-try natin sa talong mo? Sigurado ako mince pork ang labas niyan oras iputok ko ito sa talong mo." "Tama na 'yan nasa bingit na tayo kamatayan nakuha niyo pa magbiro," saway ni Marisol. "Sorry. Open this damn door, Mak." Agad naman binuksan ni Mak ang pinto ng sasakyan. Pumwesto si Marites pagkatapos tumihiya at inasinta niya ang kotseng nakasunod sa kanila. Natamaan niya ang gulong ngunit hindi napuruhan at patuloy itong nakasunod sa kanila. "Margaret, take my phone at tawagan mo si Carlos para mag-back up sa atin." Kinakabahan saad ni Mak habang patuloy sa pagmamaniho. "Mak, tinamaan ko ang kotse." Mas binilisan ni Mak ang pagpatakbo ng sasakyan. Nahagip ng mata ni Marites na nagdadasal si Bakz. " Yawang bakla 'to marunong ka pala magdasal, Bakz?" "Marites huwag kanang magulo barilin mo nalang ang mga kalaban." Puna ni Mak kay Marites nang makitang pinagdidiskitahan nito si Bakz. Inasinta ulit ni Maites ang gulong ng kalaban. Sa pangatlong putok na sapol niya din. Nagpagiwang-giwang ito at bumangga sa isang pang kotse.. "Nice view ba Mak? Nakangising saad ni Marites. Naabutan niya kasing nakatingin si Mak sa hita niya. "Bumangon kana diyan dahil hindi ko alam ang papunta sa rest house niyo." Namumulang saad ni Mak sa kaibigan. Bumangon agad si Marites at kumandong kay Mak para magpalit sila ng position. "Mga beshy seatbelt and relax dahil lalarga na tayo. "Naku Marites dahan-dahan lang," saad ni Bakz ngunit wala itong pinakinggan at agad niya pinaharorot ang sasakyan.. "s**t Marites, gusto ko pa magkapamilya," reklamo ni Mak. "Marites, ayaw ko pa beshy sunduin ni kamatayan," mangiyak-ngiyak na wika naman ni Margaret. Natatawa lang si Marites sa mga pinagsasabi nila. Hindi namalayan ni Marites na nakarating na sila agad. "Marie okay ka lang ba?" Agad na tanong ni Mak nang makarating sila sa resthouse. "Okay na okay! Thank you for saving our life again." Maluha-luhang saad ni Marie. Ano kaba para ano pa at naging mgkaibigan tayo! 2ND PERSON Kring! kring! "Come on Brix, answer the phone. Damn! Bakit ang tagal mo sagutin mga tawag ko?" Mabilis na dinampot ni Brix ang cellphone nang makitang maraming tawag sa kanya. "Sorry dude nalasing ako kagabe at masakit pa ang ulo ko!" "Listen to me, si Marie kasama ni Mak at malamang papunta na sila ng airport . Bilisan mo at papunta narin ako baka hindi mo sila maabutan." "Fuck... bakit nagdaldal kapa hindi muna agad sinabi," sabay patay ng cellphone nito. "Tssskk. . . Siya pa ang galit, hindi man lang nagpaalam pinatayan lang ako." Reklamo ni Nathan habang kausap ang cellphone nito. May halong takot at kaba ang nararamdaman ni Brix. Takot na baka hindi na niya maabutan si Marie. Ngunit ang magkakaibigan ay hindi na tumagal sa resthouse ni Marites. Nang masigurado na naligaw na nila ang mga kalaban ay agad sila dumiretso sa Airport. "Mak! Marites!, malayo pa ba tayo? Tanong ni Bakz "Oo, medyo malayo pa kaya puwedi ka pa muna matulog."Sagot ni Marites sa kaibigan. "Hindi ako makatulog lalo't pang alam ko nasa panganib tayo. Tatawagan ko nalang si Daddy upang humingi ng dagdag security para makasigurado tayong makaalis ng matiwasay." "Thank you, Bakz!" Nakangiting saad ni Marie. "Welcome, beshy. By the way, Mak, diretso ba tayo sa London..?" "Hindi na, dadaan muna tayo ng Singapore para iligaw sila may binilinan na ako mag-asikaso after natin mag-flight, buburahin nilang lahat ng information natin para sa ganon hindi nila tayo matunton." "Good, para naman sa katahimikan ng lahat lalo na kay Marie at Brix. Naawa ako sa dalawa pero ito lang ang tanging magagawa natin para mailigtas sila sa kamay ni Assunssion." Tahimik ang lahat habang binabagtas nila ang daan patungo ng airport. "After an hour na biyahe, we are finally here! Mga beshy gising dahil nandito na tayo!" "Wow this it, wala na talagang atrasan ito.. See you soon ulit London," excited na wika ni Marisol. Pagdating sa Airport agad sila sinalubong ng mga tauhan ng ama ni Bakz. "Good afternoon ma'm and sir!" "Good afternoon too mga mens...! Kamusta naman ang pag-iikot niyo sa lugar? " Saad naman ni Bakz. "The area is clear kaya puwedi na kayo bumaba." Saad nito "Halika na kayo..! Marie huwag kana malungkot. Please, isipin mo yong baby mo." Nakangiting saad ni Margaret sa kaibigan. Naglalakad na papasok sa loob sina Marie at kaibigan nang makarinig sila ng lalaking sumisigaw sa pangalan niya. "Marie! Marie!" Sigaw nito at mukhang hingal na hingal ito. Palingon ni Marie agad niyang nakita si Brix na umiiyak. Kawawa ang itsura nito. Tumingin siya sa mga kaibigan at humingi ng permiso na lapitan si Brix kahit sa huling sandali. Ngunit habang papalapit siya kay Brix ay biglang may dumating na dalawang sasakyan kaya agad siya hinila ni Mak pabalik. "Halika kana Marie dahil dilikado na tayo dito. Hindi safe ang lugar na ito kahit marami tayong bantay." Gusto pa sanang pumiglas ni Marie ngunit alam niya din sa sarili na kalaban ang dalawang sasakyan. 3RD PERSON Balak pa sanang kukunin ng mga kalaban si Marie ngunit hindi na sila nakalapit dahil sa maraming pulis at bantay ang magkakaibigan. "Hello boss, natakasan na naman kami boss. Hindi namin nakuha si Marie dahil madaming bantay at mga pulis!" Boogg.... banngg! "f**k you all. Huwag kayo magpakita sakin kung hindi pagbabarilin ko kayong lahat! Hindi puwedi mabuhay ang bata na iyon dahil malaking sagabal iyon sa plano ko." Sigaw ni Assunsion. "Boss gumagawa na kami ng paraan. Pinapasundan namin sika kung saan sila tutungo." "Siguradohin niyong patay ang bata kahit mamatay pa iyan si Marie. Wala akong pakialam kahit anong paraan ang gawin niyo basta gusto ko mawala ang bata." "f**k! kung mabubuhay ang bata walang kuwenta na pinatay ko si Armando at Julius. Shit... kailangan ko mag-isip paano ko mabura sa landas ko ang mag-ina. Si Richell lang dapat ang magmana ng kayamanan ni Armando at sa ganon makaganti ako para sa anak, asawa at kapatid ko. Maniningil lang ako ng utang mo Armando walang karapatan si Brix sa kayamanan mong naiwan." Nangingit na saad ni Assunsion sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD