Chapter 15

1350 Words
"Perfectly said, beshy! May lahing mangkukulam si Richell kaya dapat huwag tayong magpakampanti," seryong saad ni Margarett "Huwag natin s'ya husgahan at baka may pinagdadaanan din s'ya tulad ko," pagtatanggol ni Marie kay Richell. "Basta, para sa akin, she's a b***h! Kaya huwag ka magtiwala, Marie. Mas maigi na nag-iingat tayo." Sa kanilang magkakaibigan sina Marites at Bakz ang mahirap kunin ang tiwala. Hindi sila basta-basta nagtitiwala lalo na sa bagong kakilala. "Mga beshy, punta muna ako doon. Gusto ko magpahangin para makapag-isip ako ng maayos," paalam ni Marie sa mga kaibigan. Sobrang naguguluhan s'ya sa sitwasyon nila ng binata. Hindi n'ya alam kung ano posisyon n'ya sa buhay nito. "Sige, susunod kami doon. Mag-ingat kalang dahil may bamgin banda doon. Actually, beshy hindi naman s'ya nakakamatay if ever mahulog ka, pero mababalian kalang ng buto." Sarkatiskong saad ni Bakz sa kaibigan. "Thank you mga beshy. Lalo na sa walang kuwentang mong advice, Bakz." "Ito naman, binibiro lang kita." "Bye na. Basta sumunod kayo." Habang naglalakad ang dalaga nakaramdam s'ya ng kaba. Feeling n'ya kasi may sumusunod sa kanya. Bumuntonghininga muna s'ya bago lumingon sa palibot. "Siguro wala namang rapist at multo dito," mahinang bulong nito sa sarili. Iwinaksi n'ya ang pangamba at itinuon ang atensyon sa magandang tanawin. Ipinikit n'ya ang kanyang sarili at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Ang agam-agam na naramdaman ay nawala dahil sa magandang tanawin ng Isla. Napadilat si Marie ng mata ng may narinig siyang pumapalakpak. "Dito ka pala Marie. Huwag kang magdiwang porket nanalo ka sa ating paligsahan. Never kung isusuko si Brix sa'yo, tandaan mo iyan. Bumalik ka nalang sa ibang bansa para walang gulo." "Alam mo Richell, sayang ka! Pinagtatanggol pakita sa mga kaibigan ko kasi akala ko hindi ka talaga masama, pero sa naririnig ko ngayon daig mo pa ang malansang isda. Ang sama ng ugali mo. Sayang ang pagmamahal ni Mak sayo. Hindi ka deserve ni Mak at lalong hindi mo deserve mahalin." Ngumisi 'to habang papalapit kay Marie. " Yes, I'm a demon. Maramot ako sa mga taong mahal ko. Kaya kung ako sa'yo huwag mo nang tangkaing agawin pa si Brix dahil nasisiguro ko sa'yo pagsisihan mong kinalaban mo ako." Humalakhak ito at parang sinasapian. Umatras si Marie ng kunti pero biglang siyang huminto dahil nakita n'yang bangin na ang nasa likod n'ya. "Scared? Bakit parang namumutla ka ngayon?" "Lumaban ka ng patas Richell. Huwag dito." Ngunit hindi nakaiwas si Marie nang biglang niya nalang itong itinulak. Mabuti at nakahawak ito sa laylayan ng damit ni Richell ngunit na-out of balance din ito kaya sabay silang gumulong pababa hanggang sa nagkahiwalay sila. "Help! Help! Help---- Sigaw ng dalaga. Takot itong mamatay lalo pa't hindi niya paalam ang buong katotohanan. Nabuhayan siya ng pag-asa ngarinig ang boses nina Mang Caloy at Brix na tinatawag sila. "Richelle! Marie! Nasaan na kayo?" Sigaw ni Brix na may halong pag-alala. "Dito babe. Please help me! I'm so scared," pag-iiinarte ni Richell sabay dilat kay Marie. Napaismid nalang ang dalaga ngunit ayaw niya magpato kaya ginaya niya din si Richell. "Brix help me please, ayaw ko pa mamatay." Umiiyak na saad niya sa binata. Palipat-lipat ang tingin ng binata sa kanilang dalawa. A g buong akala ni Marie ay siya ang uunahin ng binata na sagipin ngunit nagkamali siya dahil si Richell ang inunang niligtas ng minamahal niya. Sobrang sakit para sa dalaga. "He betrayed me. Mismo sa harapan ko, pa. Gusto ko nang bumitaw sobrang sakit. Ganitong ganito ang nararamdaman ko ng nag-aagaw buhay ako." Sigaw ng kalooban ng dalaga habang pinagmamasdan ang lalaking minamahal na iba ang nililigtis habang siya ay nasa bingit din ng kamatayan. Bigla siya nakaramdam ng pagsikip ng kanyang dibdib at nanigas ang kanyang kamay. Pagkatapos nawalan na siya ng pakiramdam dahil namanhid na ang buo niyang katawan. "Princesss-----" Iyon ang tanging huling narinig niya bago siya bumagsak at nawalan ng malay. Halos lahat ng kaibigan niya ay natataranta na dahil natatakot sila dito baka biglang atakihin ulit si Marie. "Beshy, huwag mo kaming takotin ng ganito. Please, wake up." Umiiyak na saad nina Bakz at Marisol. "Mak, pakibilisan dalhin natin siya sa hospital. Nanlalamig na siya Mak. Natatakot ako baka hindi na siya magising." Natatakot na saad ni Margarett. "Princess, please, lumaban ka. Ayaw ko nakikita kang ganyan. Kayang kong isuko at isantabi pagmamahal ko kay Richell, alalang sayo. Natatandaan mo dati lagi ako umiinom dahil akala ko hindi ako mahal nina Daddy at Mommy. Tapos lagi bagsak ang mga grado ko dahil sa badboy ako, pero ikaw lang ang naglakas loob lumapit sakin at nakipagkaibigan. Alam mo, simula noon binago mo ang magulo kong mundo. Sinusuportahan mo ko sa bawat gusto ko. Kaya ako naman ngayon ang hihingi ng favor sayo, lumaban ka para sa akin, sa daddy mo at mga kaibigan mo. Marami pa kaming nagmamahal sa'yo." Mas lalo silang kinabahan ng hindi pa talaga ito nagising. "Manong Caloy, pakibilisan naman po." "Mak matapang si Marie. Lalaban siya para sa atin. Tiwala at taimtim na pagdadasa, iyan ang tanging magagawa natin sa ngayon," saad ni Marisol. Sobrang nag-alala din siya sa kaibigan pero kailangan nilang maging matatag. "Nandito na tayo Sir Mak," saad ni Manong Caloy sa kanila. "Mak, dahan-dahan lang baka mapaano kayo." Halos madapa na si Mak sa bilis ng takbo niya habang buhat-buhat si Marie. Mabilis naman silang sinalubong ng mga nurse at doktor para mag-assist kay Marie. "Ayaw ko na siya makita ulit nakaratay sa higaan at hindi alam kung hanggang kailan magigising. Sana lumaban siya." Nanginginig na saad ni Marites. Kinakabahan ako Marisol! B-Baka hindi kayanin ni Princess." Palakad-lakad at pabalik-balik sa labas ng emergency room si Mak habang ginagamot si Marie sa loob. " Mak! Marisol! " Tawag ni Bakz. Nakasunod naman ang lahat kasama na doon si Brix. "K-Kamusta si Marie dude?" Tanong agad ni Brix sa kaibigan. Walang pasabi niyang sinuntok ito. Hindi lumaban si Brix at hinayaan niyang suntukin siya ni Mak. Walang hiya ka. Ang lakas ng loobo magpakita dito. Oras may mangyari kay Princess, sisiguradohin ko sa'yo na guguluhin ko buhay mo. Hindi ka ba naawa sa kanya, ha? Puro pasakit nalang ang idinulot mo sa kanya," saad ni Mak kay Brix. Lahat ng sama ng loob ay inilabas niya sa oras na iyon. " Tama na mga a anak. Alam kong magulo ang lahat pero, please, hindi ito ang tamang lugar at oras para magsumbatan kayo," pakiusap ni Ginang Amanda sa kanila. "Natatakot kami Tita at baka hindi na siya magising. Years ago ng iniwan ka niya Brix para mag aral sa state. Iyon ang alam mo! Pero hindi iyon totoo dahil nagpunta siya sa State para doon magpa-opera at magpagamot sa sakit niya sa puso. Hindi niya sinabi sa'yo dahil mas gusto niyang magalit ka sa kanya dahil walang kasiguradohan kung kailan siya gagaling at kung makakaligtas pa ba siya sa kanyang sakit. Kahit sobrang sakit para sa kanya ang iwanan ka. Ikaw ang naging ispirasyon niya kaya lumaban siya sa bingit ng kamatayan. Nang marinig ni Brix ang sinabi ni Margaret, nanlambot ang buong katawan niya. Hindi niya alam nasa bingit pala ito ng kamatayan for all those years na kinasusuklaman niya ito. "W-Wala akong kuwentang tao. W-Wala siyang ginawa kung hindi mahalin ako at pagkatiwalaan. Dude, sorry! Hindi ako ang karapat dapat sa kanya. Ingatan mo siya, alam mo kung gaano ko ka mahal iyan. Aalis na ako." "Sana mapatawad mo ako, sweety! Tandaan mo, ikaw lng ang nag-iisang babaeng mamahalin ko hanggang lagotan ako ng hininga," saad niya sarili habang paalis. "Baby!" Tawag ni Richell sa binata. Pagkakita ng binata kay Richell agad niya ito hinila palabas. Wala itong paki-alam kung nasasaktan ang nobya. "Alam mo Richell, naririndi ako sa boses mo. Huwag kang masyadong feeling asawa dahil malabong mangyari iyon. Baka ano ang magawa ko sa'yo at makalimutan kung buntis ka. Ginusto mo ito, kaya magdusa ka dahil ibibigay ko ang gusto mo at magbabayad ka sa ginawa mo kay Marie,"mariin na saad ng binata. "Brix, asawa mo na ako ngayon. Kaya ako may karapatan sa iyo." Paulit- ulit na sigaw nito sa binata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD