Chapter 14

1549 Words
Tahimik na nakasunod ang dalaga sa mga kaibigan nito habang nakatanaw sa minamahal. "Princess, halika ka muna dito dahil masyado ng mainit." "M-mabuti pa nga, sumilong muna tayo." Habang nakaupo sila ni Mak namg biglang natanong nito ang tungkol sa lalaking minamahal at dating kaibigan. "Mak, anong meron sa kanilang dalawa? B-bakit ang bilis nagbago sa akin ni Brix?" Maluha-luha nitong tanong sa kaibigan. "Princess, a-ano kasi." "Mak please, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama." Sobrang awang-awa si Mak sa dalaga kaya binigyan sinabi n'ya na ang totoo. "Simula ng umalis ka papunta ng ibang bansa, marami na ang nangyari. Isa na doon ang pagkamatay nina daddy at Tito Armando." Bilang naluha si Mak ng maalala ang pagkamatay ng ama. "A-ano ang koneksyon ko Mak sa pagkamay nila?" "Nang mabalitaan ni Brix ang pag-alis mo, kahit maalon umalis sila kasama sina daddy at tito. Ngunit nang nasa kalagitnaan na sila ng dagat, tumaob ang kanilang sinasakyan dahil sa lakas ng alon. H-hindi nakaligtas sina daddy ngunit si Brix natagpuan ng ama ni Richelle kaya siya nakaligtas." "I-i'm sorry. K-kasalanan ko pala ang lahat. S-sana buhay pa sila. S-sana hindi ngayon galit sa akin si Brix." Bigla siyang nakaramdam ng awa sa sarili dahil sa pag-aakalang pinaglalaruan lang siya ng binata. "Beshy tapos na kami tumulong mag-harvest ng gulay," masayang saad ni Margarett. "Marie bakit ang lungkot ng mukha mo?" "W-wala. Thank you ah." "We're friends kaya hindi ka dapat naglilihim sa amin. At isa pa, hindi kami sanay makita kang ganyan. Alalahanin mo may posibilidad na babalik ang sakit mo sa puso, kaya ingatan mo kasi sabi ng doktor hindi ka 100% na magaling." Sobamg nag-alala si Marisol ng makita ang kaibigan na malungkot ang mukha. "Beshy, kung si Brix at Richelle ang pinoproblema mo, kami na ang bahala sa kanila. Pagsisihan n'ya bakit sumama s'ya dito." Si Marites ang pinaka-showy na kaibigan n'ya pagdating sa pag-alala. "Mak, matanong nga kita, ano ba ang nakita mo sa babae na 'yan bakit minahal mo?" Kunot- noo na tanong ni Bakz sa binata. "Hindi nman siya dating ganyan. Mabait at pala kaibigan, pero simula nang umuwi ang daddy niya, nagbago ang lahat. Minanipula na siya ng daddy n'ya hanggang iniwan niya ako. I love her so much, hanggang sa umabot na pumayag ako maging rebound n'ya. Paggalit siya kay Brix, sa akin s'ya pupunta." "Haiisssttt kayo talaga mga marter! Tayo na Marites, huwag na tayo magmahal. Jusmiyo, ayaw ko gumaya sa kanila mukhang mga tanga dahil sa pag-ibig," nakangiwing saad ni Margarett. "BRIX POV" Habang tinitingnan ko si marie alam ko nasasaktan ko siya dahil sa pinapakita ko. Wala akong kwenta! Duwag ako. Ang sakit, ako dapat ang nag-c-comfort sa kanya, pero ito ako ibang babae ang kasama ko. Hanggang kailan kami mgtitiis ? Natatatakot ako, baka isang araw mapagod at sumuko na ito sa akin." Biglang napaligon si Brix nang marinig ang sigaw ng ina. "Anak, Brix!" "Bakit mama? Ano ang nangyari, nakit hingal na hingal ka?" "K-kasi sina Marie at Richelle matutungali sa isang paligsahan." "Mama, hindi pwede makipagtunggali si Marie dahil mahina ang kanyang puso." Wala nang sinanyang pa na oras ang mag-ina. Agad sila pumunta sa lugar kung saan magpapaligsahan ang dalawang babaeng magkaagaw sa puso n'ya. Habamg si Marie, ay nangangba sa gagawin ngunit ayaw n'yang magpatalo sa karibal. Gusto n'ya ipaglaban ang kan'yang pag-ibig sa binata. "Mga beshy, kinakabahan ako. Pero ayaw kung tawagin n'ya akong talunan. Kung sakali mamatay man ako sa paligsahan na 'to, masaya ako dahil kahit sa huling sandali ay lumaban ako." "Ang drama mo naman, beshy! Ako na ang bahala sa kanya. Huwag mong isipin na mag-isa ka dahil andito kaming mga kaibigan mo, remember?" Niyakap ni Marie ang mga kaibigan upang magpasalamat sa lahat ng suporta na tinatanggap niya. "Start na tayo, Marie! Kung natatakot ka,? Much better, back off ka nalang," nakangising saad ni Richell. "In your dreams, Richell. Gagawin ko ang lahat para ipanalo ang laban na 'to. Kukunin ko ang pagmamay-ari ko," Mariin na sagot ni Marie ksy Richell na s'yang kinagalit ng karibal. "Palaban babe! Talunin mo si Marie mukhang ayaw sumuko," sigaw ng kaibigan ni Richellel. "She will never win. Matk my word! Paano mananalo ang isang lampa!" Satkatiskong saad nito habang matalim na tinitigan si Marie. Habang nagsasagutan sina Marie ay Richell, sinimulan naman ni Marites ang plano n'ya kay Richell. "Bakz, nasaan si Manong? May ibibigay ako sa kanyang lotion para naman huwag mangitim ang kabayo ni Richell, masyado kasing maputi,"ngiting asong saad nito. "Marites, alam ko may pinaplano ka sa kabayo ni Marites. Huwag mo solohin, beshy. Idamay mo naman ako d'yan." Atat na saad nito. Pagdating sa mga kalokohan hindi umaatras ang mga kaibigan ni Marie. "The best buddy ka talaga, Bakz. Sige, ako ang papasok sa loob, ikaw ang magbantay dito sa labas. Kung may taong paparating sumipol ka lang para alam ko. Mabilis lang naman ang ritual ko." "Noted. Galingan mo beshy. Mukhang masaya ang naisip mo," saad ni Bakz. Tumingin muna si Marites sa bawat sulok ng kuwadra ng kabayo bago pumasok. Sinigurado n'ya muna na walang nakakita sa kanya. "Manong, where are you? May dala akong gift para sa kabayo ni Richell." Walang sumasglagot kaya nagpatuloy siyang pumasok sa kulunhan ng kabayo ni Richelle. "Ma'am Marites, ano poang ginagawa n'ho dito? Hindi kayo pwede dito at baka makita kayo ni Ma'am Richell." "Don't worry, manong! Walang makakakita sa akin dito kung hindi mo ako isusumbong." "K-kasi Ma'am Marites,kilala mo naman ang amo ko." "Relax. Nandito lang naman ako para bigyan ng lotion si horsey. Magandang moisturizer 'to lalo ngayon mainit sa labas." "Sure kayo, nag-lolotion ang kabayo? Ngayon ko lang kasi narinig ma'am na may lotion para sa kabayo." Hindi makapaniwalang tanong ni Manong. "Sure na sure ako manong. Huwag kanalang maingay at ako na ang bahala." Mabilis na pinahiran ng lotoin ni Marites ang buong katawan ng kabayo. Sinigurado n'ya natatalab ang kanyang plano. "Ma'am, tawag na ako sa labas tapos kana ba? "Perfect! Done! Manong, pwede mo na ilabas si Horsey." Pagkalabas ni Manong agad din s'yang sumunod. Habang papunta s'ya sa kinaroroonan ng kaibigan nang makita si Brix na parang balisa at aligaga sa isang sulok. Sinasabunutan nito ang buhok at panay tampal ang sariling noo. Biglang nag-init ang kanyang ulo nang maalala ang ginawa ng binata sa kanyang matalik na kaibigan. Nilapitan n'ya 'to at agad sinimukraan. "s**t. Marites ano ang kasalanan ko bakit mo ako sinuntok?" "Nagtanong ka pang tarantdo ka Mabuti nga sinuntok lang kita. Ang sabi ko nga sa'yo noon totortahin ko ang talong mo, once niloko mo si Marie. Kung alam ko lang nagagawin momg rebound ang bestfriend ko, hindi na sana kita hinayang lumapit sa kanya " "H-hindi mo naiintidihan kasi Marites. Mahal na mahal ko ang kaibigan mo pero kailangan ko pakisamahan si Richell para protektahan s'ya." "Huwag mo ako paikotin sa palad mo. Alam ko nagalit ka sa kaibigan ko dahil sa ginawa n'yang pag-iwan sa'yo noon." "Believe me. Mahal ko s'ya." "Diyan kana. Ayaw ko na marinig ang sasabihin mo. Alam ko naman puro kasinungalingan lang." Iniwan na ni Marites si Brix na patuloy parin nagpapaliwanag. "Marites ang tagal mo! l" Reklamo ni Bakz sa kanya. "M-may pinag-usapan pa kasi kami ni Brix, kaya medyo natagalan ako." Nagulat naman si Marites nang biglang sumagot si Brix sa gilid n'ya. Hindi n'ya namalayan sumunod din pala 'to sa kanya. "Hindi porket pinagtanggol mo ako, okay na tayo. Mauna na kami sa'yo. At huwag mong kalimutan ang pinag-usapan natin." "Bilisan mo at nag-uumpisa na sila," excited na saad ni Bakz kay Marites. Malayo palang sila Marites at Bakz rinig na rimig na nila ang malakas na hiyawan ng mga trabahador. Kanya-kanyang mga pinapanigan ang mga 'to. "Ma'am Marie, galingan mo. Kaya mo 'yan," sigaw ni Glenda kay Marie. "Babe, talunin mo si Marie," sigaw naman ni Trishjake. Ang matalik na kaibigan ni Richell Nakaupo na silang magkakaibigan upang magbigay ng suporta kay Marie. Mga ilang segundo lang ay may narinig silang tatlong putok, hudyat na magsisimula na ang paligsahan sa pagitan ng dalawang babae. "Mga beshy, mukhang dihado tayo dahil hindi marunong mangabayo si Marie," bulong ni Bakz sa mga kaibigan. "Don't worry, mananalo tayo. Mark my word," seryosong saad ni Marites.Kinabahan ang lahat ng makita nila na ang layo ng distansya ni Marie kay Marites. Ngunit biglang napatayo si Bakz nang manguna si Marie. Lahat ng panig kay Marie ay nagtayuan at naghiyawan. Ngunit si Marites pa-simpleng ngumisi lang 'to. Hindi na siya nagulat dahil inaasahan n'ya ito. Yamot na yamot si Richell dahil bigla nalang ang kabayo niya umupo at iningod-ngod ang puwet nito sa lupa. Kahit anong palo n'ya dito ay ayaw na talaga tumakbo. "Marites, ano ang ginawa mo sa kabayo? " "Beshy, Margarett. Nilagyan ko lang naman ng chilli powder ang lotion at pinahid ko kay Horsey," sabay peace sign sa mga kaibigan. "Bestfriend nga tayong lahat. Apir mga beshy." Tuwang-tuwa na saad ni Bakz. Nagtakbuhan sila papunta kay Marie ng i-announce na nanalo 'to. "Paano 'yan Richell, nanalo ang kaibigan namin. So, kailangan mo tuparin ang pinagkasunduan n'yo. Lumayo kana kay Brix dahil pag-aari na s'ya ngayon ni Marie." "Ay, naku Bakz. Maniwala kanaman kay Richell. She's a liar at walang panindigan." Diretsahang saad ni Marisol kay Marisol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD