Bella's POV "P-Pero.. P-paanong.." Naguguluhang tanong niya. Ni minsan ay hindi nila naka piling ang ama nila. Wala rin binabanggit ang mommy niya tungkol dito. "Lingid sa kaalaman niyo lihim kayong sinusubaybayan ng daddy mo Arabella. Hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit nag ka ganoon ang relasyon ng mommy at daddy mo pero isa lang ang masisiguro ko sayo hija mahal na mahal kayo ng daddy mo saksi ako sa bagay na yon" Napapikit siya. Masakit na malamang kahit kailan ay hindi na niya makikilala ang ama pero masaya siya na malaman na mahal sila nito na kahit hindi nila ito nakasama ay nanatiling naka bantay parin ito sa kanila. Napaka laking bagay na para sa kanya ang nalaman niyang minahal sila ng hindi nakikilalang ama. May bahagi ng pagkatao niya ang nabuo. May kulang na na

