Nicklaus POV "Nag sisinungaling ka kanina" sabi niya kay Bella ng tuluyan na silang makapasok sa kwarto na ibinigay sa kanila. Pag katapos ng pag uusap kanina ay nag sabi si Bella na gusto na niyang mag pahinga. Siguro dahil na rin sa dami ng nangyari kanina. Lumingon ito sa kanya "Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong nito "Yung tungkol sa code na sinasabi ni Dad. You know where it is, hindi ba?" kalmadong sabi niya dito. Sumandal siya sa pintuan at namulsa habang nakatingin dito. Shock parin siya sa mga nalaman tungkol dito. Pati ang tunay na dahilan ng Daddy niya kung bakit bigla nalang siyang ipinakasal nito kay Bella kahit na alam nitong hindi maganda ang reputasyon ng mga Sta.Ana pero hindi naman nabawasan ang pag tingin na inuuukol niya dito. Natatakot lang siya para sa kali

