“Tubig.” Sabay na sambit nina Leo at James habang parehong inaabot ang bottled water kay Bella. Napakurap ako. Kung hindi lang siguro tense atmosphere sa paligid namin, baka natawa na talaga ako. Kasi parehong seryoso mukha nilang dalawa. Parehong nakatingin kay Bella. Parehong naghihintay kung sino pipiliin niya. At si Bella? Halatang nataranta. “Ah…” Napatingin siya muna kay James. Then kay Leo. Then bumalik ulit kay James. Kahit si Thea sa tabi ko, bahagyang napaangat kilay. Si Anika naman, halos mapakagat labi kakapigil ng kilig. Pinapanood ko lang sila habang unti-unting nabubuo sa isip ko ang bagay na matagal ko nang hinihinala. Hindi na simpleng friendship ‘to. Hindi na normal ‘yung tinginan nila. Hindi na normal ‘yung paraan ng pag-aalala ni James. At lalong hindi normal yung

