CHAPTER 5: Stock in the Library with Dylan

1150 Words
"What on earth?!" gulat na bulalas ni Chloe at nabitiwan ang kaniyang dalang mga gamit na nagsipaglaglagan sa sahig nang makita niya ang lumilikha ng ingay sa loob ng librarya. Sobra pa sa multo ang nakita niya sa kaniyang reaksiyon sa mga oras na ito. "Hmmmppp... Hmmmppp..." magpupumiglas na daing nito. "Dylan?" gulat na bulalas niya sa pangalan nito. Nakagapos ang paa at kamay nito sa upuan at nakatakip ng tape ang bibig nito na para bang hostage. "Oh my gosh! What happened to you?" hindi makapaniwalang wika ni Chloe at nagmamadaling nilapitan ang lalaki upang kalagan ito. "S-salamat." nahihiya at nakayukong wika nito sa kaniya matapos niya itong makalagan sa pagkakatali. "Sino ba ang may gawa niyan sa 'yo?" wika niya rito at isa isang pinulot ang mga nagkalat niyang mga gamit sa sahig. "Hindi mo na kailangan pang malaman." wika nito sa kaniya. "Seriously? Hindi mo ba aaksiyonan ang ginawa sa 'yo ng mga nambu-bully sa 'yo? Ok lang sa 'yo na ganyan ganyanin ka nila? Pwede mo naman silang kasuhan at ipakulong sa yaman mong yan wala manlang nagawa ang pera mo para protektahan ka." ani niya rito. "Ang nambu-bully sa akin ay ang isa sa mga anak ng may pinaka malaking share sa corporation. At ayaw kong maapektuhan ang negosyo ng pamilya ko dahil sa akin." sagot naman nito sa kaniya. Napaawang naman ang labi ni Chloe sa sinabi nito. 'Pati rin pala ang mayayaman ay may hirarkiya din sa pagtrato sa katulad nila.' napapa-iling nalang na wika nito sa kaniyang isipan. "Tsk. So, hahayaan mo nalang na ganyanin ka habang buhay?" nakataas na kilang niyang wika rito. "Ganun na nga." ani nito sa kaniya. "Bakit ka nga rin pala narito sa mga oras na ito?" baling na tanong nito sa kaniya. "Dito ko naisipang mag-review para sa darating na finals next week. Ngunit sa kasamaang palad ay naka idlip ako at heto nasarahan ng library." ani ni Chloe rito at naglakad patungo sa isang leather couch at doon humilata. "May pang text ka ba para makahingi naman tayo ng tulong sa labas? Nag-expire na kasi ang unli ko kanina." ani niya rito. At wala rin siyang pang-data. Palibhasa ay mahina ang sagap ng data sa imitation niyang iphone. Agad naman nitong kinapa ang kaniyang cellphone sa bulsa. Ganoon na lang ang pag-awang ng labi ni Chloe nang makita ang bagong model ng iphone na kakalabas lang noong isang lingo. "Low battery..." mahina nitong sabi sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya. "Mukhang dito na ata tayo magpapalipas ng gabi." ani niya rito. Isang mahabang minutong katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Tila ba nahihiya ito sa kaniyang makipagka-usap. Iilang mga salita lang ang binigkas nito, ngunit siya ay napakadaldal na. Tila ba isang tanong isang sagot lang ito. Pinagmasdan niya itong palakad lakad sa mga fiction books na naroon malapit sa kaniyang kinahihigaang sofa. Nag-iisip siya kung paaano niya makukuha ang loob ni Dylan sa gabing iyon. Pagkakataon niya na ito upang magkaroon ng first step sa kaniyang misyon. Bumalik ito sa kaharap niyang sofa bitbit ang mga napiling libro at inilapag ito sa maliit na salaming lamesa sa pagitan nila. "Bababasahin mo ba yan lahat ngayong gabi?" nagtatakang wika niya rito, tangging tango naman ang isinagot ng binata sa kaniya. Napairap naman si Chloe sa pagiging mailap nito. Bumangon siya at nagkalkal sa kaniyang bag. mabuti na lang ay nagdadala siya ng biscuit na pwedeng kainin kapag naglalagi siya sa library. Mabuti na lang at naisipan niyang dumaan ng cafeteria kanina at bumili ng 3 bingo at Isang malaking bote ng mineral water. "Heto, pagtyagaan mo nalang ang hapunan natin." ani niya rito at inilapag sa mesa ang isang pack ng biscuit at inilapag niya rin ang bote ng mineral na nakakalahati na ang laman. "Huwag kang mag-alala wala akong rabies o virus. Pwede mo yang inuman." ani niya sa lalaki. Pinangunahan na niya ito ba baka padirihan siya dahil nainuman niya na ang tubig na inaalok niya. "S-salamat, p-pero... B-busog pa ako." nauutal at nahihiyang ani nito habang nakatutok ang tingin sa librong binabasa. Ngunit mga ilang segundo lang ay biglang kumalam ng malakas ang simura nito. Gusto namang matawa ni Chloe nang makaitang natigilan ito at namumula na sa kahihiyan. "Tanggapin mo na yan. Hindi naman ako kasali sa listahan ng mga nambu-bully sa 'yo." ani niya at nagsimula nang kumain ng biscuit niya. "S-salamat." ani nito at nagmamadaling kinuha ang naka lapag na biscuits sa lamesa. "Hindi ko alam kung bakit ka nauutal sa akin. Ako lang to, hindi mo kailangang mahiya." ani niya rito. Napakunot naman ang noo ni Dylan sa sinabi niya. "Isa ka sa mga sikat na cheer dancer at tinaguriang isa sa nga university muse. Sino bang hindi mai-intimidate kapag kasama ka." sagot nito sa kaniya, hindi naman maiwasang mapahalakak ni Chloe sa sinabi nito. "Alam niyo minsan napapaisip din ako e. Bakit ba ang taas ng tingin niyo sa mga famous na tao dito sa university eh kung tutuusin ay pareho lang naman tayong nag-aaral. At saka ang pagiging cheer dancer ko ay part ng school scholarship ko, hindi naman kasi ako magaling sa sports kaya dito nalang ako pinunta." pahayag niya rito. "So, sinasabi mong hindi ka mayaman katulad ng mga kagaya mong sikat dito sa paaralan?" ani nito. "Ganon na nga. Magka-klase tayo pero hindi mo napapansin. Hindi mo nakikita na hindi naman ako nagmamataas sa mga kaklase natin o kung kanino mang tao. At saka, hindi lang halata pero may pagka nerd din ako at pagka introvert. Sadyang nasasapawan lang ng itsura at titulong cheer dancer kaya hindi lang halata." ani niya pa rito. "Ay oo nga pala, wala ka bang kaibigan o close man lang sa school na to? Pansin ko kasi nung in-approach kita ay todo iwas ka sa akin. Gusto ko lang namang magtanong. Or should I say, gusto ko lang namang magpatulong sa calculus." ani nito sa lalaki. "Wala, hindi ko rin alam kung bakit nadadamay din ang mga nagiging kaibigan ko sa mga pambili nila." sagot nito. "At pasensiya na nga pala noong araw na yun. Natatakot lang akong pagtripan nila. Lalo na kapag lumalapit ka sa akin. Mas lalo lang umiinit ang dugo nila sa akin." dagdag pa nito na ikinataas ng kilay ni Chloe. "Tsk. It's fine, naiintindihan naman kita." Ani niya rito. "But today's onwards. Let's be friends." naka ngiti niya wika sa lalaki sabay lahad ng kamay niya rito. Tila nagulat naman si Dylan sa kaniyang sinabi at napaawang pa ang kaniyang labi. "Hey, I said let's be friends." Ani ni Chloe sa kaniya upang magising ito sa pagkatulala. "H-hah.... Sige, let's be friends." tila nahihiyang wika ni Dylan sa kaniya at nagiginig na inabot ang kamay niya upang makipag shake hands. Ramdam ni Chloe ang tensiyon ng binata dahil sa nanlalamig na mga kamay nito. 'First move, check!' ani ni Chloe sa kaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD