PROLOGUE
Napabuntong hininga si Chloe nang makita ang ipinadalang mensahe sa kaniya ng kaniyang scholarship sa kaniyang email. Bumaba kasi ang kaniyang academics noong last semester dahil sa kaniyang pagka-broken hearted sa dalawang taon n'yang kasintahan na matagal na pala siyang niloloko.
"Bwesit talaga..." ani n'ya at imimudmod ang mukha ibabaw ng mesa. Kasalukuyan kasi silang nasa cafeteria ng kanilang paaralan upang doon kumain ng kanilang tanghalian.
"At ano na namang problema mo? Hindi ka parin ba nakapag-move on kay Sean?" ani ni Vivian sa kaniya habang nag-a-apply ito ng foundation sa kaniyang mukha.
Sinamaan n'ya lamang ito ng tingin saka umirap sa kaibigan.
"Baliw, hindi iyong hayop na yun ang problema ko." ani n'ya ito.
"Huling taon ko na rito sa college. Kunting konti na lang ay makaka-graduate na tayo pero mukhang makakahinto pa ata ako sa pag-aaral ng wala sa oras." ani n'ya rito.
Hindi naman kasi kaya ng mga magulang n'ya na pag-aralin pa s'ya ng kolehiyo. At hindi naman sapat ang kinikita ng kaniyang ate sa pagka-call center para tustusan ang kaniyang pag-aaral lalo pa't meron pa siyang mga kapatid na nag-aaral pa ng elementarya.
Sa kaniyang ate na dalawang taon lang ang tanda at ang kaniyang nakakabatang kapatid na isang taon lang ang agwat sa pagitan ng kanilang edad ay tangging s'ya lamang sa kanilang tatlo ang nakapasok sa paaralang ito at nagkaroon ng scholarship sa university na free tuition. Dahil hindi naman sila kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang ay napilitan na lang ang kaniyang nga kapatid na maghanap ng trabaho upang kahit papaano ay makatulong sa pamilya.
At dahil hindi naman sapat ang kaniyang scholarship ay nagta-trabaho s'ya bilang working student sa kaibigan n'yang si Vivian na ngayon ay gulat na gulat sa kaniyang narinig.
"What do you mean?" hindi makapaniwalang wika ng isa. Hindi nga pala nito alam na scholar s'ya. Hindi naman kasi n'ya sinasabi dahil ayaw n'yang malait ng mga mayayaman n'yang kaibigan.
"Scholar si Chloe, Danica. Pero bumaba ang academics n'ya dahil sa siraulong Sean na yun." ani ni Vivian sa isang kaibigan.
"Hindi ba meron din namang subsede ang cheer chance club. We can gave you that, hindi naman namin yun kailangan." wika naman ni Sheena.
"Five thousand lang binibigay sa atin per semester. Kulang pa ang 20 thousand na iyon sa 150 thousand na babayaran n'ya sa tuition fee every semester." pahayag naman ni Vivian.
Napabuntong hinga na lang si Chloe. Talagang napaka imposibleng makapagtapos s'ya sa kolehiyo. Meron namang ibang paaralan ngunit hindi n'ya sigurado kung may makukuha pa ba siyang scholarship o kahit na anong benefits na makakatulong sa kaniyang pag-aaral.
"I bet an offer..." ani ni Danica sa kaniya na tila ibinitin pa sila sa ere.
"What was it?" nagtatakang wika ni Vivian.
"I'll pay you're tuition until graduation." ani nito sa kaibigan.
"Then what is it?" nahihiwagaang tanong ni Chloe rito. Ngumiti lang ito sa kaniya ng nakakaloko bago sumagot.
"Date the school's ugly nerd and break his heart with in 100 days." ani nito sa kaniya.
"Why? Sa dinami rami pa ng ipapagawa mo kay Chloe eh yan pa? Kahit siguro naman ako ay mandidiri kapag lalapitan s'ya. Ano pa kaya kung ide-date mo in public, hahalikan o kung ano ano pa?!" hindi makapaniwalang wika ni Vivian sa kaibigan.
Sino ba naman kasing gustong mai-date at maka in a relationship ang lalaking iyon. Mataba, puno ng tigyawat, may suot na makapal na salamin at jologs kung manamit at wala man lang ka amor amor sa sarili. Kahit sinong babaeng malapit dito ay magiging pulutan talaga ng kutya. At mapagsasabihan ng gold diggers. Pangit lang ito pero mayaman.
"He was the only son of Del Rio Marketing. Magkalaban ang company namin." pahayag nito.
"So, Chloe will you accept the challenge?" tanong nito sa kaniya at inilahad ang kaniyang kamay.
Napakagat naman ng labi si Chloe. Pero kailangan n'ya nang kumapit sa patalim para sa pamilya at para sa kinabukasan n'ya dahil maraming umaasa sa kaniya.
"Deal." deretso n'yang sagot at tinggap ang kamay nito.