CHAPTER 1: Chloe's Heart Break

994 Words
"Bakit ka naman pumayag!" palatak sa kaniya ni Vivian habang naghihiwa s'ya ng mga lulutuin para sa kanilang hapunan. Dahil working student s'ya sa pamilya ng kaibigan ay nag-offer na rin ang mga magulang nitong doon na rin siya tumira upang mas mapag silbihan ang kanilang anak ano mang oras s'ya nito kailangan. Napabuntong hininga naman ulit si Chloe nang naalala niya ang naging pag-uusap nila ni Danica sa cafeteria. "Kailangan ko talaga yun Vivian. At wala akong choice." ani n'ya rito at nagsimula nang magluto ng kanilang kakainin. "Are you really out of your mind?" hindi makapaniwalang wika nito. "Kahit anak pa yan ng pinaka mayaman si Dylan sa buong pilipinas at ako ang pinaka mahirap ay hinding hindi ko siya papatulan." ani nito at ipinahayag ang paka dis-gusto sa lalaki. Hindi na lamang ito sumagot at nagpatuloy na sa kaniyang ginagawa at hayaang magsalita ang kaibigan. "Girl think of your self. Dignity mo ang nakasalalay doon. At hayaan mo na ang deal no kay Danica. Shes just a b***h na walang pagka-makatao. Can't you see, she's taking advantage of your situation to bully that freaking nerd." ani nito sa kaniya na tila ito pa ang nai-estress sa kaniyang sitwasyon. "I'm going to take advantage to her offer too. Isipin mo na lang, 100 days is just a small time para magtiis compare sa habang buhay kong pagtitiis kung hindi ako magkaroon ng magandang trabaho pagkatapos ko ng college." ani nito sa kaibigan. "And... I already everything to Sean because of that selfishness. Kasi mas inuna ko ang sarili kong kaligayahan kesa sa pamilya ko. I'm already done with it. Maybe it's time for me to sacrifice and stick to my goals." makahulugang wika ni Chloe sa kaibigan. Siguro ito na rin ang way n'ya upang maka-move on. Sa halip na saktan n'ya ang sarili at magpaka baliw sa failure n'yang love life ay itu-tuon n'ya na lang ang kaniyang atensiyon sa challenge ni Danica. Wala rin namang pinagkaiba doon. She suffers from their break up and she also suffer from the relationship with Dylan Del Rio. *flash back* Araw ngayon ng sabado, nagdesisyon si Chloe na hindi muna umuwi sa kanilang probinsiya upang dalawin ang kaniyang mga magulang. Dahil ngayong araw kasi ang kanilang dalawang taong anniversary ng kaniyang nobyo na si Sean. At bala niya itong surpresahin sa condo nito. "Heto na po ang order niyo." tawag pansin sa kaniya ng tindera ng isang bake shop na binilhan niya ng cake. Agad naman siyang lumapit rito upang kunin ang karton ng cake na iniabot sa kaniya. "Salamat..." wika niya rito at nginitian ang tindera. Naka ngiti siyang lumabas ng store at sumakay na ng tinawag niyang taxi. Hindi na muna siya nag commute upang sa gayon ay fresh siyang dumating sa condominium ng nobyo. Kahit na siya ang babae sa kanila ay hindi niya rin naman maiwasang mag-effort para rito. Dahil para kay Chloe ay hindi basehan ang pagiging lalaki ng kaniyang nobyo upang ito ang gumasto sa lahat at bilhan siya ng kung ano ano. Para sa kaniya sa ang isang relasyon ay may give and take na tinatawag at hindi lang ito resposibilidad ng isa. Mga ilang mimuto lang ay nakarating na siya sa condo nito bitbit ang wine at cake na binili niya. Napakunot ang kaniyang noo nang maka ilang beses na siyang nag door bell ngunit walang bumubukas ng pinto. 'Hmm... Siguro ay may pinuntahan lang.' ani niya sa kaniyang isipan. Kaya naman ay nagpasya siyang gamitin ang spare key ng condo nito na ibinigay sa kaniya upang sa loob na lang siya maghintay sa pagdating nito. Ngunit nang makapasok siya ay sinalubong siya ng malakas na ungol at halinghing ng isang babae sa loob ng condo nito. Kaya naman ay mabilis na naglakad si Chloe papasok ng dining area. Nabitiwan niya ang hawak na cake at wine na ngayon ay nagkalat na sa sahig. Hindi siya makapaniwala at halos na estatwa siya sa kaniyang nasasaksihan. Tila pinagsa-saksak ang kaniyang puso ng isang libong beses. Napahinto naman ang dalawa sa ginagawang milagro dahil sa nilikha niyang ingay. "s**t! Chloe!" bulalas ni Sean at mabilis na itinulak ang babaeng nakapatong sa kaniya. "Kelan pa?!" galit niyang wika habang matalim na tinignan ang lalaki at bumaling ng tingin sa babaeng ka siping nito. Tila pamilyar sa kaniya ang babae. Sa tingin niya'y pareho niya rin itong kamag-aral sa Sky University. "I'm sorry, it's just an accident." pagsisinungaling nito kahit na nahuli niya na ang nobyo sa akto. "Tama na Sean. Huwag ka nang magsalita pa! Huli ka na sa akto!" gigil na saad niya sa lalaki. "Me and him are dating since hindi pa kayo." sabat ng babae kaya naman ay napabaling siya rito. Kalmado nitong pinulot ang nagkalat nitong damit sa sahit at isa isang isinuot. Halos hindi naman makapaniwala si Chloe sa kaniyang narinig. "Shut up, Melisa!" Inis na wika nito sa babae. "Babe, let me explain..." Ani nito at hinawakan ang kaniyang kamay pero agad itong iwinaksi ni Chloe. At matalim na bumaling sa babae. "Anong ibig mong sabihin?" Ani niya rito. "Ako ang nauna kesa sa 'yo. He convinced me to date you kasi alanganin ang mga grades niya and knowing that you likes him and you are smart. Kaya pumayag na rin ako kasi we both benefited on you." Ani at naglakad papalapit sa kanila suot na nito ang kaniyang damit. "Totoo ba iyon?" hindi makapaniwalang wika ni Chloe. Hindi naman nakasalita si Sean at nanatili lang na naka yuko. "I... I'm s-sorry." mahinang wika nito. Isang malakas na sampal naman ang ibinigay ni Chloe rito. "Hayop ka! Matapos kong ibigay sa 'yo lahat. Matapos kong gawin lahat lahat! Eto lang ang igaganti mo sa akin?" Hindi makapaniwalang wika ni Chloe. "Magsama kayo!" Ani niya nang bunaling sa babae at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon. 'All those years, peke lang pala ang lahat! All those years, iba pala ang original na girlfriend nito!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD