Danica: Meet me at the cheer dancers head quarter if you really interested on a contract. See yahhh...
Text ni Danica agad ang bumungad sa kaniya kinabukasan. Napabuntong hininga na lamang si Chloe bago bumangon sa kaniyang higaan.
Seryoso nga talaga ito sa kanilang deal. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit tila wala man lang itong pake sa nararamdaman niya. Dahil hindi naman sila gano'n ka close na magkaibigan dahil Kasamahan lamang siya nito sa cheer leading squad ng kanilang paaralan.
Nang matapos siyang makapaghanda sa pagpasok sa paaralan ay agad siyang dumeretso sa kanilang head quarter. Pagdating niya roon ay wala pa si Danica kaya nagpasya siyang antayin na lang muna ito dahil maaga pa naman para sa una niyang subject.
"Oh, buti naman at pumunta ka. Ang akala ko ay nagbago ang isip mo." ani nito sa kaniya at naglakad paupo sa harapang sofa.
"I already made up my mind." ani niya.
"Yan ang gusto ko sa 'yo Chloe. May isang salita." natatawa nitong wika sa kaniya at may inilabas na dalawang folder mula sa kaniyang mamahaling gucci hand bag.
"This is my copy, and this is your. Basahin mo ng maigi bago mo permahan. Because once you signed it, there is no turning back." ani nito sa kaniya nang mailapag nito ang dalawang transparent folder sa maliit na lamesa sa kanilang pagitan.
Agad naman itong inabot ni Chloe at tiningnan ang nilalaman nito.
100 days to break the ugly nerds heart. (Dylan Del Rio)
'The Deal's Task'
1. Date him
2. Introduce him in public as a boyfriend
3. Kiss him
4. Make him fall harder
5. Break his heart in public
Notes:
1. If you can't do the task anymore and you did the challenge for 50 days. You will still receive a 10 thousand pesos for the effort.
2. If you complete the task and break his heart I will pay the one year of your tuition in Sky University. And receive a 10 thousand pesos bonus.
Signed, Danica McKellar
Yun lamang ang nakalagay sa kontratang ibinigay nito.
"Hindi na masama, limang task kapalit ng isang taong tuition." ani ni Chloe at mabilis na kinuha ang ballpen na ini-abot nito kanina. Nang mapermahan ay ini-abot niya na rin ang isang kopya kay Danica.
Naka-ngiti naman nitong kinuha ang papel.
"Simple task pero mahirap gawin sa katulad ni Dylan Del Rio." ani ni sa kaniya.
"Sino ba nagsabing hindi ko kayang sikmurahin ang katulad niya." she said with a grind. Hindi rin siya magpapatalo.
"Ok, time starts now. See yahh..." ani nito at kinuha na ang kaniyang bag na nakalapag sa mesa at rumampa papalabas ng pinto.
Muli siyang napatingin sa hawak na papel.
Kahit ayaw niyang makasakit ng damdamin ng ibang tao at maka tapak sa pagkatao nito ay wala siyang ibang choice kundi ang gawin iyon.
Mabilis siyang lumabas ng kanilang head quarter at nagtungo sa kaniyang unang subject.
May isang semester pa siyang nalalabi sa paaralang ito upang gawin ang challenge na ipinapagawa sa kaniya ni Danica. At sa pagkaka tanda niya ay magka-klase sila ni Dylan sa isang subject.
Napangiti siya nang maalala iyon dahil mas mapapadali ang kaniyang task kung nagkataon.
Nang makapasok siya sa kanilang silid ay agad siyang naupo sa pinaka dulong upuan katabi ng upuan ni Dylan.
"Chloe ay you serious?" bungad sa kaniya ng isang ka-klase niyang babae na hindi naman niya gano'n ka close.
"What?" simpleng tanong niya rito at pinag-cross ang kaniyang mga braso. Siguro ay nagtataka itong nasa dulo siya uupo. Dahil kadalasan naman ay nasa harapan siya katabi ang babae.
"You sitting next to that nerdy." ani ni Jasmine sa kaniya.
"So what, I just want to ask him something." sagot niya naman rito.
"Lumayo ka na d'yan at baka masali ka pa sa pangtri-trip nh mga mokong nating ka-klase. Look up and you'll see." ani nito sa kaniya at itinuro ang itaas ng kisame.
Napakunot naman ng noo si Chloe. Nagtataka man ay tiningnan n'ya na rin ito at bumungad sa kaniya ang isang maliit na timba.
"What the f**k?" hindi mapigilang bulalas niya.
'Are they even serious about that. Ganito na ba talaga nila i-buly ang nerd na yun?' hindi makapaniwalang wika ni Chloe sa kaniyang isipan.
"A-anong laman n'yan?" Ani niya rito.
"I don't know, maybe you should stay away na lang para hindi ka madamay kapag nabuhos yan." Ani nito at naglakad na papunta sa kaniyang upuan sa harapan.
Napabuntong hininga na lamang si Chloe at dinampot ang kaniyang bag bago lumipat ng upuan. Maybe mamaya na lang after class niya kakausapin ito o baka naman ay sa susunod na klase nila.
"You should stay away to that coward. Sayang ang ganda mo kung masasali ka sa pambu-bully sa kaniya." Saad nito.
"What do you mea? I'm just going to ask an assignment. Hindi ako naka gawa dahil sa sobrang busy sa cheer dance. At ano naman ang ibig mong sabihin na madadamay ako kapag lalapitan ko siya?" Naiintrigang tanong ni Chloe rito.
Dahil sa pagiging busy niya sa pag-aaral ay tila wala na ata siyang ka-alam alam sa nangyayari sa paligid niya. At kung ano ano ang mga ginagawa ng mga bullies nito kay Dylan dahil hindi naman siya mahilig maki-alam sa problema ng ibang tao.
But now, kailangan niyang malaman ang mga bagay na kaugnay rito upang malaman kung paano niya masisimulan ang kaniyang 1st step.
"Seriously you didn't know?" tila hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Iniiling niya na lamang ang kaniyang ulo.
"Yung girl sa section B, na si Mary. Hindi mo ba talaga alam ang nangyari sa kaniya?" Muling ani nito.
"Nope, what happened to her then?" Ani niya rito.
"Lahat ng mga lumalapit sa nerd na yun ay parang nadadamay na rin sa kamalasan niya. Dahil sa paglapit niya kay Dylan ay halos pandirihan na siya ng lahat kahit ang mga ka-klase at kaibigan n'ya. Ang malala ay pinagbintangan pa siyang slut and gold digger. Dahil you know, mayaman si Dylan at baka kapit rin sa patalim ang babae. Kaya ayon kung ano anong kwento na lang ang lumabas na nakikipag talik siya kung kani-kanino at nang wala na siyang customer ay gusto niya nang patusin si Dylan. Kaya kung ako sayo, mangopya ka na lang sa iba." mahabang litanya nito.
Napalunok naman ng laway si Chloe sa karinig.
Paano niya gagawin ang challenge sa kaniya ni Danica kung ganito naman pala ka lala ang mga nambu-bully rito.