KANINA pa pabiling-biling si Summer sa kaniyang kama. Kanina pa rin siya naghihintay ng tawag o text man lang mula kay Colton pero mukhang napagod na yata ito sa kate-text at katatawag sa kaniya pero hindi man lang niya magawang reply-an at sagutin dahil naiinis pa rin siya rito. Pero nang mapag-isipan niya ang sinabi ni Rizel kanina, agad naman ang kagustuhan niyang makausap ito. Malalim siyang napabuntonghininga at nakasimangot na bumangon. Gusto sana niyang umidlip sandali para pagkagising niya ay gawin niya ang mga assignment niya. Sinulyapan niya ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng nightstand. Inabot niya iyon at tiningnan kung may text na ba sa kaniya si Colton pero wala pa rin. “Ugh!” So gano’n na lang iyon? Susuko kaagad ito. Sa inis niya ay padabog niyang ibinalik ang pho

