“Earth to you, Summer Solstice Buenavidez!” Napakurap si Summer at napatingin sa kanina pa niyang kaharap na si Rizel. Nasa loob sila ng canteen ng University pero iyong isip niya ay nasa malayo. Nasa taong isang linggo na niyang hindi nakikita simula nang nangyari sa kanila sa opisina nito. Matapos niya itong makita na hinahalikan noong Lucille na iyon. Kumuyom ang mga kamao niya. Kasalanan ba niya kung bakit sumilip pa siya no’n para tingnan ang babaeng bisita nito? Sa sobrang inis nga niya nang gabing iyon ay lumabas siya ng banyo at sinadya pa niyang ibalibag ang pagkakasara ng pinto dahilan para matigil ang paghalik ng babae kay Colton. Pero hindi na siya nag-abala pang tingnan ang mga ito. Kahit na ang sulyapan man lang ang babae ay hindi niya ginawa at basta na lang siya lumabas

