“SAAN MO BA TALAGA AKO DADALHIN?” tanong ni Summer kay Colton. Pang-ilang beses na ba niyang tanong ‘yon sa lalaki mula nang umalis sila ng mansion? Hindi na niya mabilang pero lahat ng iyon ay ngisi lang ang isasagot nito sa kaniya tapos iiling-iling kapag sisimangutan niya ito at iirapan. Huminto ang sasakyan nito sa harap ng—Philippine Statistics Authority? Kunot ang noo na binalingan niya ito ng tingin. “Anong gagawin natin d’yan?” tanong niya rito. “You want proof that I am no longer married, right?” Maang na muli siyang napatingin sa labas kung saan ang PSA building. Yes, she wanted proof that he is no longer married to that woman, Lucille. Pero hindi naman niya inaasahan na dadalhin siya nito rito para lang patunayan sa kaniya na talagang annulled na ito sa dati nitong asawa.

