WALANG masabi si Summer, ni hindi niya maibuka ang bibig. Paminsan-minsan ay pumaparte ang kaniyang mga labi upang kumuha ng salita pero agad din niyang maitikom dahil wala talagang salitang pumapasok sa isip niya. Naglakad ito palapit sa kaniya. Titig na titig at hindi man lang kumukurap na para bang kapag ginawa nito iyon kahit ilang beses lang ay mawawala na lang siya bigla. At dahil hindi na niya makayanan ang titig nito ay siya na ang unang nagbawi ng tingin dito. Hindi niya ito kayang tingnan. Naiilang siya sa emosyong nakikita niya sa mga mata nito. Hindi siya sanay na makikita niya sa mga mata nito ang pagmamahal. However, she’s so flattered for some reason and her heart was still at shocked at what he confessed while walloping so loud. Dahil naka-squat pa rin siya ay lumuhod

