DAHIL sa gulat ni Summer na nandoon ang mga taong huling gusto niyang makakita sa kung ano ang ginagawa ni Mr. Ferrero sa kaniya ay tuluyan na siyang hindi nakagalaw. Natigil ang kaniyang pagsisigaw, pagpapasag at panununtok sa likuran ni Mr. Ferrero. Anong ginagawa ni Kristoffer rito? At sabi ni Rizel nasa ibang bansa ang kapatid nito pero bakit nandito ito? Natauhan lang siya nang iniupo na siya ni Colton sa hood ng sasakyan nito. Itinuon nito ang mga palad sa magkabilang gilid niya at saka siya ikinulong doon. Summer swallowed hard when he leaned forward until their faces were just hairbreadth away. “What are you doing here?” he asked, in a controlled voice. Nakita niya pa ang pag-iigting ng mga panga nito sa pagpipigil na masigawan siya. Pero hindi siya nagpasindak dito kahit gus

