TAHIMIK lang si Summer habang nakasakay siya sa sasakyan ni Colton. Bukod sa nahihiya siya dahil sa mga pinagsasabi niya patungkol rito kanina, kahit mukhang hindi naman yata nito narinig dahil wala naman itong sinabi, may epekto pa rin talaga sa kaniya ang aftermath ng alak na ininom niya kagabi. Kung wala lang talaga siyang long quiz ngayon, hindi talaga siya papasok muna sa first hanggang second subject niya at matutulog na muna siya. Muli niyang sinulyapan si Colton. Tahimik pa rin ito. Nakatuon lang ang tingin nito sa kalsada. Sana nga hindi nito narinig ang mga pinagsasabi niya dahil hindi pa niya ito kayang sabayan sa mga parusang ibibigay nito sa kaniya. Pero kalmado naman ang hitsura nito at mukhang hindi naman ito galit sa kaniya. "Do you need anything?" he suddenly asked, n

