Maliwanag na maliwanag na sa labas nang magising ako. Kung paano ang higa ko nang ipinikit ko ang aking mga mata para matulog. Ganoon pa rin ang posisyon ko nang magising ako. Hindi ko mapaalis ang sarili ko sa kama. Gising na gising na ang utak ko ngunit ang katawan ko ay sobra pa ring inaantok. Binuksan ko iyong drawer sa may bed-side table. I plan to check my emails and messages. Napagapang pa ako palapit lalo roon ng hindi ko nakapa iyong cellphone. And then I remembered. Wala nga pala ako sa kuwarto ko at iyong cellphone ay iniwan ko nga pala sa bahay sa Manila. I watch the blue sky with hints of white clouds through the window. Akala ko ay magigising na non ang diwa ko ngunit hindi. Lalo lang sumipa ang kagustuhan ko na mahiga ulit sa kama at saka iyon tanawin. Hindi ko na lang

