Panay ang patakaw na pagsulyap sa akin ni Ian. Nung una ay hinahayaan ko lang ito kaya lang na-bother na rin ako kalaunan. "May sasabihin ka ba sa akin?" tanong ko sa kalmadong tono. He shifted his gear and drive slower. "Alam mo naman na kailangan mo pa ring sabihin sa akin ang side mo roon sa nangyari bago ka umalis para mag-Subic hindi ba? Hindi kasi puwedeng hayaan lang yung hindi niyo pinagkasunduan ni Mommy, Riz. She is my mother and you are going to be my wife." I know that. Hindi ako iyong tipo ng tao na umiiwas sa problema pero iba ngayon. Kung puwedeng i-postponed nang ipostpone ang pag-aayos ng gusot naming ito ni Mommy Carlisle mas okay sa akin. "Love," malambing na tawag nito sa akin. "I don't want to talk about it pa nga, Ian. Hindi mo ba naisip na baka kaya ako big

