NAPATINGIN si Gregory sa cellphone na nakalapag sa ibabaw ng center table nang tumunog iyon. At nang silipin niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya ay nakita niya ang kakilala niyang Private Investigator na si Pete ang tumatawag sa kanya. Mula din sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang napatingin din ang asawang si Paige sa cellphone niyang tumutunog. Katabi niya itong nakaupo sa sofa sa sala ng bahay nila. Nanunuod kasi silang dalawa ng movie sa Flat Screen TV sa sandaling iyon. At bago kunin ni Gregory ang cellphone na tumutunog ay binalingan niya si Paige. "Paige, I'll just answer the phone call," wika niya dito nang magtama ang mga mata nila. Tumango naman ito bilang sagot. At bago niya sagutin ang tawag ay hinalikan mo na niya sa noo ang asawa bago siya tum

