NAPATINGIN si Paige sa gawi ng pinto ng condo ni Gregory ng marinig niya ang pag-doorbell niyon. At akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa para sana pagbuksan kung sino ang kumakatok ng mapatigil siya ng saktong paglabas din ng asawa galing sa kusina. "Ako na," wika naman nito sa kanya ng balingan siya nito at nang magtama ang mga mata nila. Tumango naman siya bilang sagot. Sinundan naman niya ito ng tingin ng humakbang ito patungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok. Sa totoo lang ay wala silang inaasahang darating na bisita ngayong araw. Lalo na ito. Hindi naman na inalis ni Paige ang tingin sa gawi ng pinto ng buksan nito iyon. "Oh, Ma?" narinig niyang wika ni Gregory nang makita nito kung sino ang bisita nila ngayong araw. Napatayo naman siya mula sa pagkakaupo ni

