Chapter 78

3340 Words

NAALIMPUNGATAN si Paige ng maramdamang parang lumutang siya at mayamaya ay naramdaman din niyang lumapag siya sa isang malambot na bagay. Naramdaman din niyang parang may mainit na bagay na pumatong sa katawan niya. Dahan-dahan namang siyang nagmulat ng mga mata. Napansin niyang nakahiga na siya sa kama at ang mainit na bagay na naramdaman niyang pumatong sa katawan niya ay isang kumot. Last na natatandaan niya ay binantayan niya ang asawa hanggang sa nakatulog ito. Nakaupo lang siya noon sa isang stool na kinuha niya kanina na inilagay niya sa tabi ng kama na kinahihigaan nito. Hindi niya namalayan na nakatulog din pala siya habang binabantayan niya ito. Siguro noong maramdaman niyang parang nakalutang siya ay binuhat siya nito para ihiga siya sa kama. Napatingin siya sa kanyang gilid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD