MAAGANG natapos ang guest show ni Paige sa isang variety show. Dahil malapit na ngang ipalabas ang Drama na pinagbibidahan niya ay sunod-sunod na ang guest show niya para sa promotion na din. At pagkatapos ng guest show ay nag-desisyon siyang bisitahin ulit ang asawa niya sa opisina nito. Hindi din niya pinaalam dito na bibisita siya dahil gusto niya itong surpresahin. "Hmm...Asunta, kain ka mo na sa labas. Balikan mo na lang ako pagkatapos ng isang oras," wika niya dito ng ihinto nito ang kotse sa parking lot sa building kung saan matatagpuan ang opisina ni Gregory. "Sige po, Miss Paige," sagot naman nito sa kanya. Inayos naman na niya ang mga gamit at saka siya bumaba ng kotse. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa makasakay siya sa elevator paakyat sa palapag kung saan mat

