AKMANG ilalayo ni Paige ang labi mula sa paghalik sa kanya ni Gregory nang habulin nito iyon. At para hindi siya makawala sa halik nito ay pumaikot ang isang kamay nito patungo sa batok niya at mas pinailalim pa nito ang halik na pinagkakaloob nito. Naramdaman niya ang bawat paghagod ng labi nito sa ibabaw ng labi niya. Puno iyon ng pagsuyo. "Babe, wait," sambit naman niya mula sa loob ng bibig nito. Pilit din niyang kumakawala mula sa paghalik nito. Lihim naman siyang napangiti nang makita niya ang pagsimangot nito. Mukhang bitin na naman ang asawa. Iiling lang naman siya. "Hmm...what?" tanong naman nito sa kanya. "Naghihintay si Asunta sa akin sa parking lot," imporma naman niya dito. Binilinan pa naman niya ito na hintayin nito ang text niya kung mauuna na ito o hihintayin siya.

