KINAGAT ni Paige ang ibabang labi nang mag-trending na naman siya sa social media dahil sa naging pahayag ni Inigo sa National TV tungkol sa gusto siya nitong ligawan. Wala pang isang oras simula ng magpahayag ito pero uploaded na iyon sa internet at marami na iyong share, likes and comment sa social media. At puro positibo naman ang nababasa niya sa comment, na bagay daw sila ni Inigo at kung magkakatuluyan daw sila ay susuportaham sila ng fans. Sa totoo lang para siyang nasa hot seat noong sandaling iyon. Lalo na at inaasar siya ng mga kasamahan niya sa artista, hindi lang ang mga ito, pati mga audience na nakinig sa pahayag nito. Hindi niya alam kung ano ang ire-react kay Inigo. Ayaw naman kasi niyang ipahiya ito sa harap ng maraming tao kung sa mismong oras na iyon ay tumanggi siya na

