ONE YEAR AFTER... "BYE, Chanty. See you tomorrow," nakangiting paalam ni Paige kay Chanty ng tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya. Nasa isang coffee shop silang dalawa ng gabing iyon. Nagyaya kasi ito na magkape silang dalawa na pinaunlakan naman niya. "Okay, bye," wika naman nito sa kanya. Hindi pa kasi ito aalis, hihintayin pa kasi nito ang pagdating ng boyfriend nito do'n. Nauna naman na siya dahil may gagawin pa siya sa bahay. "Drive safely," wika naman nito. She smiles at her. "I will," sabi naman niya. Pagkatapos niyon ay tumalikod na siya at naglakad na siya palabas ng nasabing coffee shop. Pagkalabas naman niya ay hindi napigilan ni Paige ang pagyakap niya sa sarili nang maramdaman niya ang lamig sa katawan ng umihip ang malamig na hangin. Kahit na nakasuot na siya ng m

