"MA'AM Paige?" Napakurap-kurap ng mga mata si Paige nang marinig niya ang boses na iyon ni Manong Damien na tumawag sa pangalan niya. Inalis naman niya ang tingin sa labas ng bintana at tumingin siya dito. "Nandito na po tayo," wika nito sa kanya. "Oh," sambit naman niya. Napatingin naman siya sa paligid at do'n niya napansin na nakahinto na pala ang kotseng minamaneho nito sa parking lot ng ospital. "Pasensiya na po," hingi naman niya ng paunmanhin dito. Malalim kasi ang iniisip ni Paige sa sandaling iyon kaya hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa ospital. Iniisip kasi niya ang sinabi sa kanya ni Manong Damien, sa sagot nito sa tanong niya kanina. Sa sinabi nito na kay Gregory ito nagta-trabaho at ang lalaki mismo ang nag-utos na sunduin siya sa airport. At ang sinabi

