NAKAHINGA naman ng maluwag si Paige nang sa wakas ay lumabas na din si Gregory sa private room sa kinaroroonan nilang ospital. Kanina pa siya hindi makahinga ng maayos sa presensiya nito sa totoo lang. Lalo na kapag nararamdaman niya ang mainit na titig na pinagkakaloob nito sa kanya. Iiwas na iwas nga siyang mapasulyap sa gawi nito dahil ayaw niyang magkasalubong ang mga mata nilang dalawa. Hindi naman niya alam kung bakit hindi pa ito umaalis do'n. Hindi pa nito alam na tapos na silang dalawa? Naisip siguro ni Paige na baka inutos ng Mama ni Gregory na samahan do'n ang Mama niya. Ipinilig naman ni Paige ang ulo para maalis sa isip niya ang lalaki. "Paige, anak. Umuwi ka mo na para makapagpahinga ka. Sabay na lang kayo ni Gregory na umuwi," wika naman ng Mama niya mayamaya. The w

