NANG makalabas si Paige sa ospital ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon at tinawagan niya ang assistant niyang si Asunta. Kahit na isang taon din siyang nasa ibang bansa ay hindi pa din niya pinuputol ang ugnayan niya dito. Asunta is still her assistant, mahirap na din kasi na makahanap ng kagaya nito, maasahan at higit sa lahat mapagkakatiwalaan. Nakatatlong ring bago naman nito sinagot ang tawag niya. "Hello, Miss Paige?" wika nito mula sa kabiling linya. "Where are you?" tanong naman niya dito. "Nasa parking lot po ng ospital," sagot naman nito sa kanya. Nakahinga naman siya ng maluwag sa narinig na sagot nito. "Nasa harap na ako ng ospital. Punta ka na dito. I'll wait you here," sabi niya kay Asunta. "Okay, Miss Paige," sagot naman nito sa kanya.

