MULA sa pagbabasa ni Paige sa hawak na script ay nag-angat siya ng tingin ng marinig niya ang boses ni Inigo na tumawag sa pangalan niya. Pagkaangat naman niya ay nakita niya itong nakatayo sa harap niya. Si Inigo ay male lead ng drama na pinagbibitahan nila. Sa sandaling iyon ay nasa taping sila. "Oh, Inigo," wika naman niya ng magtama ang mga mata nilang dalawa. Tumayo din siya mula sa pagkakaupo niya. Standby pa kasi siya sa set dahil hindi pa siya ang kinukuhanan ng director ng eksena. At gaya niya ay standby din si Inigo. "Bakit?" tanong niya dito. "Here," wika nito sabay abot ng cup of coffee sa kanya. Bumaba naman ang tingin niya do'n. Base sa nabasa niyang nakasulat na pangalan sa hawak nitong cup ay nanggaling iyon sa kilalang coffee shop. "Nagpabili ako sa driver ko ng coffee

