"BABE?" INALIS ni Paige ang tingin sa rearview mirror at inilipat niya iyon sa gawi ng kama kung saan nakahiga ang asawa ng marinig niya ang boses nito. Pagtingin naman niya do'n ay nakita niya ang asawa na gising na. "I'm here, babe," wika naman niya dito. Napansin naman niya na tumingin ito sa dereksiyon niya. Nakita naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito nang makita siyang bihis na bihis na. Maaga kasi ang taping nila Paige ngayong araw. Late na din nasabi ng direktor nila na maaga ang call time nila kaya hindi niya iyon nasabi kay Gregory kagabi. At kanina noong magising siya ay himbing na himbing pa din ito sa pagtulog kaya hindi na niya ito ginising at ang balak niya kapag aalis na siya ay doon na lang niya ito gigisingin. Nilutuhan na din niya ito ng breaksfast dahil gus

