NAPANGUSO si Paige nang hindi niya alam kung saan niya nailagay ang script niya. Tiningnan niya iyon sa sofa sa may sala ng bahay ni Gregory baka do'n niya nailapag iyon. Itinaas niya ang mga pillow do'n baka natakpan lang pero wala din. "Saan ko kaya nailagay iyon?" tanong niya sa sarili habang nakamaywang. Iniisip niya kung saan niya posible naiwan. Binabasa pa nga niya kasi iyon kagabi. Mayamaya ay naisipan niyang pumunta ng kwarto baka nando'n. Pagdating niya do'n ay agad niyang itinaas ang bedsheet at mga unan baka natabunan lang. Pero wala din iyon do'n. Binuksan din niya ang drawer ni Gregory sa may bedside table pero wala din do'n. Akmang isasara niya ang drawer ng mapatigil siya nang may mahagip na envelope ang mata niya. Hindi sana niya iyon papansinin nang ma-curious siya ku

