AKMANG lalagyan ni Paige ng ulam ang plato niya ng mapatigil siya ng magsalita si Gregory na nasa tabi niya. "Let me?" wika nito sa kanya. Ibinaba naman niya ang kamay at hinayaan niya ito sa gusto nitong gawin sa sandaling iyon. Nilagyan naman nito ng ulam ang plato niya. "Tama na," wika niya dito nang mapansing napa-sobra ito ng lagay ng pagkain sa plato niya. Tumingin naman ito sa kanya. "Hindi ko na mauubos," sabi niya dito ng magtama ang mga mata nilang dalawa. "Kailangan mong kumain ng madami para hindi ka magkasakit ulit," masuyo ang boses na wika naman nito sa kanya. Kumibot-kibot naman ang labi niya habang nakatitig siya dito. "Hindi naman na ako nagkasakit," katwiran naman niya. Because Gregory is taking care of her and they are okay now ay naiwasan na ni Paige ang ma

