Namamanghang inilibot ni Luna ang paningin sa mga nagtataasang buildings sa siyudad ng Philadelphia habang sakay ng Mercedes Benz na pag-aari ng kaibigan ng pamilya Falcon. Kasama niya sa sasakyang iyon sina Marco, Kane at Grand na simula nang dumating sila ay hindi nagsasalita. Sa kasunod na sasakyan ay naroon naman ang iba pang mga miyembro ng grupo. Personal siyang ipinaalam nina Grand at Kane sa kaniyang mga magulang na namangha nang makilala ang dalawa. Her parents could not believe that someone from Falcon and Madrigal would visit their humble home. Ipinaliwanag ng dalawa na kailangan siyang isama ng isang linggo upang magbakasyon sa Estados Unidos —all expense paid. At first, hindi pumayag ang daddy niya. Subalit nakipag-usap rito ang dalawa ng pribado sa study room at pagk

