"Alam ni Kier na makikipagkita ako sa inyo rito," umpisa ni Stefan. "Kaya kung may mangyayaring masama sa akin ay alam ng kaibigan kong kayo ang may gawa." Si Marco ay nagsalita. "H'wag kang mag-alala, wala kaming planong gulpihin ka. Ryu has done enough damage, baka hindi na kayanin ng katawan mo kung bubugbugin ka pa ulit namin. We are here to ask for a favor." Pigik na natawa si Stefan. "So now the Alexandros needs me, eh? What is it?" "Alam naming ginulpi ka lang ni Boss Ryu dahil sa ginawa mong pag-gamit kay Luna para paghigantihan sya." Hindi naiwasan ni Luna ang malakas na pagsinghap nang marinig ang sinabi ni Marco. "We need you to tell the truth to the school commitee. Na kaya lang nagyari iyon ay dahil kasalanan mo rin. Boss Ryu did not deserve to be kicked out, isang semest

