Huminto si Luna sa paglalakad nang hapong iyon nang marating ang exit gate ng school. Mag-a-alas sais na ng gabi subalit sa mga oras na iyon ay papalubog pa lang ang araw dahilan upang mag-kulay dalandan ang paligid. Ang mga maliliit na sanga ng puno ng acacia na nakapaligid sa loob at labas ng school ay nagkalat, at ang munting mga dahon nito'y nagsisiliparan dala ng pang-hapong hangin. Maliban sa kaniya ay iilan na lang ang mga naroong estudyante na katulad niya'y pauwi na rin. Ang mga kasama niyang nag-practice ng volleyball ay nauna nang umuwi samantalang siya ay dumaan pa sa library para hiramin ang librong kailangan niya para sa homework. Sa tuwing uwian ay hindi niya maiwasang sandaling matigilan kapag napapa-daan siya roon. A silhouette of a man always comes in mind, standing th

