Hindi ako makatingin kay Eos dahil sa naging usapan nila kanina. There's this awkward air every time I tried to be next to him. Mabuti na lang at biglang dumating na 'yong pagkain kaya naging busy na naman kami. Eos didn't have the opportunity to talk to me because I tried to busy myself with filming the event. Pati tuloy si Sister Therese ay hindi ko makausap. Noong dumating 'yong pagkain pati 'yong kambal ay nagulat. Akala pa nga nila 'yong orphanage ang may pakana, pero napansin ko kanina na tinuro ako ni Eos. Siguro ay para ipaalam na ako ang umorder noon. Luckily, my cash is enough to pay for the foods. Hindi ko alam kung paano ako lalapit sa kanila para humingi ng pangdagdag dahil sa nangyari kanina. "Hindi ka ba kakain, ma'am?" pagtatanong noong isang staff sa akin. Ibinibaba

