She is...so beautiful. Iyan lang ang salitang umiikot sa utak ko ngayon habang tinititigan iyong portrait niya. "Mrs. Maria Leticia Arguelles, mas kilala siya bilang Mama Letty dito sa ampunan. 19 na taon na simula noong namatay si Mrs. Arguelles. Nakakalungkot lang dahil wala ngayong bata sa ampunan ang nakakakilala sa kaniya. Ngayon imbes na Mama Letty ay kilala na lang siya bilang founder ng Angel's Orphanage," pagkukwento niya. Maria Leticia Arguelles...it is really her, but the thing that concerns me so much is how she got pregnant and why this woman doesn't know about her pregnancy at all. "She is really an epitome of beauty." Hindi ko maalis ang tingin ko sa portrait niya. It was a painting based on its texture. And I could see a small sign on the lowermost right of it. "

