"Do you want to sleep first? Medyo mahaba ulit ang byahe natin dahil pabalik na tayo sa La Puerte." Mahinahon ang boses ni Eos habang tinatanong niya ako. Hindi ko napigilan ang paghikab ko matapos marinig ang sinabi niya. "Sleep," deklara niya. Maingat niyang pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Inayos niya ang katawan ko para maging komportable ako. Namumungay ang mga matang pinanood ko ang ginagawa niya. My eyesight is already blurry because of the tears forming at the edges of my eyes every time I yawn. "Wake me...up...okay." "No worries. Magpahinga ka lang diyan, Dolce." Agad rin akong nakatulog matapos niyang sabihin. That time I dreamed about something warm. Sa panaginip kong 'yon hindi maalis ang ngiti ko. May kasama akong lalaki at mga bata, pero blurry ang mukha nila. I

