Chapter 9

1828 Words
"Where did you go?" My breath hitched, but my eyes are still seriously staring at him. Ayokong ipahalata sa kaniya na nagsisinungaling ako—turo nga sa akin ni Kuya, 'Magsinungaling ka na sa lahat huwag lang sa ama natin, dahil iyon ang isa sa mga kasalanang makakasira sa 'yo.' "Just the usual, Father. School and our House." Tumango naman siya. "Sit." Sinunod ko ang sinabi niyang iyon. I still don't know how I could remain calm despite of the situation. Hindi ko rin alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para suwayin siya. It was matter of life and death, at buhay ko ang kapalit kapag nagkamali ako. "Scylla?" Napakurap naman ako sa bigla niyang pagtawag sa akin. "Yes, father?" nagtataka kong tanong. Umiling naman siya at inabot tinaas ang papel at inabot sa akin. Mabilis ko namang kinuha 'yon at binasa. Nagtataka naman akong napabaling muli sa kaniya. Bakit niya ako binibigyan ng test paper? And this is not a normal one, may tatak pa ng mga kilalang Universities sa ibang bansa. Lahat ay major in science. "What's with this?" "Sample. I want you to answer that know? My friend sent them to me, so that you can practice. Two hours. Start now." Mabilis namang gumana ang reflexes ko at kinuha nag ballpen ko para makapagsagot na. "Are you sure, father? Here in your office?" tanong ko ngunit na nagsisimula na akong mag-pangalan. Sa kapal ng mga test paper ay hindi ko alam kung paano pagkakasiyahin ang two hours para masagutan lahat 'yon. I didn't even have the time to review. Paniguradong sermon ang aabutin ko kapag naging bagsak ang score ko. "Start now. I want to see how you can answer that in a span of two hours." Kinakabahan man ngunit pinilit ko talagang magfocus sa bawat tanong. Kung tutuusin ay lahat ng tanong na nandito ay hindi pa namin natatalakay sa school. It was different, but it was already taught by my homeschool teacher. Paano ay halos iyong mga panlaban talaga ang kinukuha niya para sa amin. He will always base it to IQ of the person. Sa pagtaas ay sa paglaki ng chance na mahire ka bilang teacher namin. I wasn't born smart, kung hindi dahil sa pagpupursigi ko ay baka napagiwanan na ako ng mga kapatid ko. Kung hindi dahil sa takot ko sa gagawin nila sa akin ay hindi ako magiging ganito. Although, I thank myself because my memory is sharp. Kaya mabilis ko lang silang natatandaan at kahit marami na akong naaral ay naaalala ko pa din ang mga previous lesson namin. The whole two hours was pressuring for me. Hindi ko man siya tingnan ay dama ko ang mariin niyang panonood sa akin. Aware akong binabasa niya ang sagot ko at natatakot ako dahil baka may mali pala doon na hindi ko napansin dahil sa pagmamadali ko. Mabilis kong binaba ang ballpen ng mabilugan ang huling letra. Saktong pagkatapos noon ay tumunog ang timer sa cellphone niya. "Good," wika niya at sumilay ang isang tipid na ngiti. Nakakagaan ng loob ang ngiti niyang 'yon, kahit alam kong may posibilidad pa ring mawala 'yon kapag lumabas ang resulta. "I'll have my secretary to check this. I'll call you tomorrow to discuss the results. You may now go." Tumango naman ako at tahimik na kinuha ang ballpen ko at lumabas na ng office niya. "What did you there? Ang tahimik mo ata?" Napapitlag naman ako ng may biglang bumulong sa tainga ko habang sinasarado ko ang pintuan. "Language, kuya. What if someone hears you? What if our mother hears you?" naiinis kong tugon sa kaniya. Ngumisi naman siya at inakbayan ako. Inis naman akong naglakad papunta sa kwarto. Habang naglalakad kaming dalawa ay hindi niya pa din inaalis ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Napapatingin pa nga sa amin ang mga maids na nadadanaan naming naglilinis ng bahay. "So, ano nga ang nangyari?" intrigang tanong ni Kuya Krei sa akin. Mas close talaga ako kay Kuya Krei kaysa iba naming kapatid. Kokonti lang naman kasi talaga ang agwat naming tatlo, pero mahirap makipagclose dahil lahat kami busy. "Just some tests. Father wants to know if I can answer the tests for two hours," kibit balikat kong sagot. Tamad kong binaba ang bag ko sa may study table at umupo sa harap noon paharap kay Kuya. Siya naman ay umupo sa kama ko at pinapanood ang bawat galaw ko. "Tests? Kaya naman pala ang tagal mo sa loob. Akala ko may nangyari nang masama sa 'yo," wika niya at napahinga nang malalim, sumimangot ako sa sinabi niya. "Sa tingin mo naman hahayaan kong mangyari 'yon? I didn't enroll for tons of self-defense classes just for nothing." "That's the spirit, baby girl!" Ngumiwi naman ako sa naging endearment niya, pero siya ay patuloy pa din sa pagngiti nang malawak. "You answered it in two hours?" "Yup, hindi ko rin alam kung paano ko nagawa 'yon. That two hours was really frustrating as hell," pagod kong wika at tamad na sumandal sa may table. Sumimangot naman siya at tinapik ang tabi niya. Takang pinanood ko naman siya. "Sit here." Turo niya sa tabi niya. Tamad na tumayo ako at padapang bumagsak sa kama. Ramdam ko namang lumapit siya sa akin at minasahe ako. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Nakakagaan ng pakiramdam ang pagmamasahe niya. Para bang nawalang muli ang problema at sakit ng katawan ko. "Is it good?" tanong niya. I moaned, then nod. It was really. Bata pa lang ako ay ginagawa na ni kuya sa akin 'to. Ganito rin si kuya marcus sa akin actually. No one can deny the fact the fact we may not share the same blood running in our bodies, we really are close to each other. "Do you think we still have a chance to live a normal one?" "Hindi pa ba normal ito para sa 'yo?" Sumimangot naman ako sa sinabi niya. Paano naman naging normal ang buhay namin dito. "Hell, kuya! Normal na ba ito para sa 'yo?" Lilingon na sana ako sa kaniya, pero diniinan niya ang pagkakahawak sa akin kaya hindi ko na tinuloy. Baka mamaya mabalian pa ako ng buto dahil doon. "This is our kind of normal, Scylla. Kung iba man ang tingin nila dito, tayo hindi. Ganito tayo lumaki," seryosong pagpapaliwanag niya. Natahimik naman ako dahil may point siya. Kung tutuusin, eto na nga ang normal na buhay para sa amin. "Then don't you want to change?" "I do, want it, pero mahihirapan tayo. Kaya siguro okay na rin 'to. Basta buhay ako humihinga, kahit anong hirap pa 'yan, dedma na lang. Sanay na naman ako e." Ngumiti ako nang mapait sa sinabi niya. I don't like it, ayokong makontento na lang sa buhay naming ganito lang. Kayang-kaya naman kasi naming baguhin 'yon e, so bakit kami magigijg kontento sa ganito lang? It was unfair for us to live like this. Oo may mga mahihirap sa tabi-tabi, but that's better than being used like a machine. It's better than being caged here. Nakaka-suffocate, nakakapagod. "I'll help, Kuya. Makakaalis din tayo dito.” Napatigil naman siya sa pagmamasahe dahil sa sinabi ko. "It's dangerous, Scy. Don't ever continue that!" Kunot noong lumingon naman ako sa kaniya. "It's for us, Kuya. Ano bang problema mo?" "You know how dangerous they are! Sa tingin mo hindi nila mahahalata ang mga plano mo?" naiirata niyang sigaw din. Pinadaan ko naman ang palad ko sa aking mukha bago umayos ng upo at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. "Don't shout, okay. Nag-iingat naman ako. I really want out, Kuya. Ayokong mamamatay ng hindi man lang sumusubok makalaya mula sa kanila," mahinahon kong wika, nagbabasakaling hihinahon din siya na agad naman niyang ginawa. "Fine, but please, Scy. Stop it. Paniguradong nakakaramdam dn ang mga 'yon,” frustrated niyang pagpapaliwanag. "Just let me continue, Kuya. Malalaman ko naman kapag nakakaramdan na sila, titigil agad ako kapag nangyari 'yon at hindi ko na itutuloy." Huminga siya nang malalim at labag sa loob na tumango na ikinangiti ko. Mahigpit ko siyang dinamba ng yakap. Gulat man siya ay naramdaman ko pa rin ang pagtugon niya sa yakap na 'yon. KINAKABUSAN pagkapasok sa loob ng classroom namin ay halos busy silang lahat. Some are cramped in one area. Pinag-aagawan na naman nila iyong papel ng kaklase naming mahilig magpagaya ng papel niya sa klase. "Good morning!" Rico energetically said. I smiled at him faintly. "Good morning." Hindi ko rin napigilan ang sarili kong hindi siya pansinin. Nakaka-guilty. He is too kind for me to suddenly ignore without any valid reason. Pero hindi ba valid iyong rason na aalis na rin naman ako dito? My father was already planning the school I am transferring to. Anong silbi pa ng pakikipag-ayos ko sa kanila hindi ba? "Good mood ata ang princess ko?" Agad na umangat ang mata ko kay Eos dahil doon. Anong 'ko' ang pinagsasabi niya? I get it that he likes to tease me with that princess term but why did I suddenly become branded as his? "Are you kidding me?" I asked in disbelief. May ibang napalingon sa pwesto namin dahil doon. Nagulat din siguro sa biglang sinabi ni Eos. "What? I am not." Iniripan ko siya at hindi na pinansin. Nagpapapansin lang 'yan, Scy. Huwag mo na pansinin. Maii-stress ka lang kay Eos. Ibang bagay na lang ang isipin mo. Paulit-ulit ko iyong binigkas sa utak ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maramdaman na medyo bumaba na ang inis ko. Negativity is bad for me. I need to release the stress I am feeling right now but the only solution for that is to smack his face. Ayoko naman mag-result sa violence kaya ihihinga ko na lang ito ng malalim. Effective pa naman kahit paano. "Hindi na naman ako pinapansin ng princess ko. Palagi na lang bang ganito?" Agad na nagsitaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa boses ni Eos. "Please! Aren't you feeling any cringe while saying that? Just shut up, Eos." Imbis na tumigil ay nginisian niya lang ako. "See? Pinapansin niya lang ako kapag galit siya. Dapat na ba akong matuwa roon?" Halos ipukpok ko na ang ulo ko sa desk ko habang pinapakinggan ang ka-drama-han ni Eos. "Come on, Eos. Baka mamaya masapok ka na ni Scy dahil sa pinaggagawa mo sa kaniya," natatawang suway ni Rico sa kaniya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Finally! May nakapansin din. Hahampasin ko na talaga siya kapag nakarinig pa ako ng drama mula sa kaniya. "Fine," natatawang sabi ni Eos. Mas lalo namang naalis ang tinik sa loob ko ng sabihin niya 'yon. Finally! Inner and outer peace. Kahit ngayon lang, hindi ko talaga makaya iyong mga joke niya ngayon. "Still, princess pansinin mo na kasi ako." Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong nakanguso na siya ng malala ngayon. Pinikit ko naman ang mata ko at nagbilang ng tahimik. It's terrible to practice violence. It's awful, Scy, so please don't.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD