Chapter 8

1100 Words
“Are you really sure about this? Alam mo namang hindi magugustuhan ng ama mo kapag nalaman niya ‘to,” nag-aalang wika niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya. Of course, my father will never agree, pero hindi naman niya malalaman. It’s not like, sasabihin ko sa kaniya. Nandito ako ngayon sa isang coffee shop. Gusto ko sanang mag-part time job. Kahit konting oras lang, kaysa naman sa bahay lang ako magtatambay. Gaya nga nang sinabi ni Eos sa akin, I should explore. Ang lawak-lawak ng La Puerte, pero ni isang lugar hindi ko pa nagagalaan. It feels like I am imprisoned in my own home. La Puerte should feel home for me dahil dito ako lumaki, but I always feel suffocated. La Puerte means father’s turf. Father’s turf means prison for us, but what can we do? Masyadong malaki ang impluwensiya ng aking ama buong lugar. La Puerte is his playground. Kayang-kaya niyang pabagsakin lahat ng kumakalaban sa kaniya. “Don’t worry, Ate. Gusto ko lang talaga mag-try. For experience purpose. Ayoko namang umaasa lang ako sa ibang tao. Pwede naman akong gumamit ng disguise para hindi nila makilala, right? Gusto ko pa talagang magtrabaho e.” I pouted that seemed to work dahil lalong lumambot ang tingin niya sa akin. At least kapag nagtrabaho ako dito, mayroon na din akong masasabing nagawa ko ng walang tulong ng sarili kong ama. I want to have my own name. Gusto kong makilala hindi lang dahil sa isa ako sa mga tagapagmana ng mga Luzano. I want to be known as Scylla, as me. “Sige na nga. Just make sure walang makakakilala sa ‘yo. Magagalit ang papa mo sa akin. You know kung gaano ka nila iniingatan. Kung hindi ka lang lumapit sa akin, hindi kita pagbibigyan. You can start tomorrow, cashier lang ang pwede kong maibigay na trabaho sa ‘yo dahil ‘yon lang ang bakante namin.” “Okay lang po. Thank you, Ate. Hayaan mo ako ang bahala kay Nanay Selma sa mansion.” “Sige, sige. Magpahinga ka na. Malaking trabaho ang gagawin mo bukas.” I bowed at her saka mabilis na lumabas. First step done. Mas mabilis akong makakahanap ng ebidensiya kung makakagalaw ako ng maayos. Matagal ko na itong plano, pero ngayon lang ako nagkaroon ng oras para makagalaw. Ngayon lang naman kasi ako nakalabas ng bahay namin. I change my smiling face into a serious one ng makitang malapit na ako sa sasakyan namin. I can’t let them be suspicious of me. Kaunting galaw ko lang, sinasabi agad nila sa ama ko. I pretended to order something out there, pero ang totoo kinausap ko talaga si Ate Emma, she’s the owner of the cafe. Anak siya ng mayordoma ng mansion kaya madali ko siyang nakausap. Hindi naman problema kung sasabihin niya sa nanay niya ang ang pagtatrabaho doon dahil suportado ako ni nanay. Bukod sa dati kong nanny, si nanay ang isa pa sa nagpalaki sa akin. The truth is, hindi naman talaga ako isang Luzano. No one is a true Luzano in us. Hindi magka-anak ang magasawang kumupkop sa amin kaya ganoon. Nobody knows it, bukod sa mayordoma kahit ang mga kasambahay hindi nila alam. My mother pretended to go somewhere private, kapag ina-announce nilang buntis siya. Dinadala nila doon ang bata hanggang sa isilang ‘yon. Then, they’ll kill the mother of the child. That’s why, hindi ko kilala kung sino ang totoo kong ina. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi kami pinapalabas hangga’t hindi kami tumutuntong ng college. They need to make sure na walang maghahanap sa amin. Walang pwedeng makaalam ng sikreto nila, pero nagkakamali sila. Before I got out, nakilala ni Nanay kung sino talaga ang tatay ko. He was a police officer, nakakausap ko siya, pero madalang lang. I want to help him avenge my true mother, kaya nangangalap ako ng ebidensiya. Kahit gustuhin ko mang layasan na sila at pumunta sa totoong kong pamilya, hindi ko din magawa. My father’s too powerful, kayang-kaya niya kaming ipapatay sa isang pitik lang niya. Being the judge, he can disguise the crime. Pwedeng may nanloob lang sa amin o kaya naman m******e. He will never admit to his crimes kaya nga ginagawa ko talaga lahat pra makaalis na kami sa impyerno. My father wants us to be like him. He doesn’t want us to be just successful. It should always be beyond that. Kulang sa kaniya ang buong La Puerte, he needs the whole country or maybe the whole world to feed his greed. And now he’s planning to enter politics. At hindi niya ‘yon magagawa ng mag-isa. That’s why, they’re sacrificing us. Si kuya na nag-la-law ngayon puro sa mga kasosyo niya ng hawak niyang case. Lahat para tulungang itago ang mga krimeng ginawa nila. Gustuhin man din ni Kuya na lumaban, hindi na niya magawa. Of course, he witnessed how his true family was killed dahil lang hindi siya sumunod kay Papa. It became his worst nightmare. Ilang linggo ding hindi maka-usap si Kuya ng mga panahong ‘yon. Iyon din ang dahilan kaya nalaman namin ang totoong storya tungkol sa pamilya namin. A perfect complete family is just a facade because in the depths of it, there lies the darkest secret that everyone could hold. Sikretong sisira sa lahat ng pinaghirapan ng pamilya namin. Sikretong magpapalaya sa amin. Sikretong bubuo sa pagkatao naming magkakapatid. Why do we need to shoulder the burden of the mess that our parents made? Si Kuya hirap ngayon dahil sa daming hawak na case, pati na din sa mga expectation ng mga nakapaligid sa kaniya. He can’t fail or else he’ll fail all the people around him. Si Ate naman, she’s a doctor, but she is also researching in a facility that my father made. Doon nila ginagawa ang mga drugs na binebenta nila. I don’t exactly know the place, pero ayon kay Ate isang isla daw ‘yon. While my other brother is a businessman, siya naman ang namamahala sa mga negosyo namin. Even the ones in the black market, siya din ang humahawak. Habang ako, ako naman ang susunod. Maybe I will end up like ate, since Biology student ako. That is the truth between our family. Nakakatawa lang dahil ang taas ng tingin sa amin ng mga tao, but look at how we end up here. Puro sa maruming paraan. How hypocritical it is that they always look upon us like we are the gods, but we aren’t; we are actually the Satan who will bring the whole La Puerte down.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD