Chapter 1
Chapter 1
'Aking sinta, nabihag mo itong puso ko
Nakita ka, aking mundo'y tila nagbago'
"YHANNNNNN, WHOOOOOO!!!"
"ZACHARIASSSSSSSSSS!!!"
"PUTANG INA MO, ZACHARIAHHHH AAACKKKKK!!!"
"ANAKAN MO 'KO, ZYDDDDD!!!"
"ANG HOT MO, KEEENNNNEEEE!!!"
Napapangiwi na lamang ako sa tuwing nakakarinig ako ng mga nakakairitang tili mula sa mga nakakairitang babae habang nakikipagtulakan at nakikipagsiksikan sa dagat ng tao.
"Tang ina mo talaga, Keene. I will kill you after this." Naiiritang bulong ko sa sarili saka itinulak ang babaeng nakaharang sa daan ko.
'May isang anghel, bigay ng langit, walang papalit
Maamong mukha, walang hihigit, sana nga'y iyong dinggin'
Mas lalong lumakas ang mga tili ng mga kababaihan nang marating nila ang chorus ng kanta.
'Panalangin, mapasa'kin
Ang iyong ngiti, ang iyong halik
Panalangin, mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing'
"OUCH!" Maarteng saad nang isa sa mga naitulak kong babae. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Iritado ko siya pinanlisikan ng mata at bahagya naman siyang napaatras dahil doon.
"Wag kang attitude diyan, bad trip ako. Hindi mo naman gustong makipaghalikan sa semento, 'di ba?" Maangas na tanong ko. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagtutulak ng mga nakaharang sa harapan ko.
Wala akong pake kung may makaaway man ako ngayon. Bad trip ako at kailangan ko ng taong mapaglalabasan ng sama ng loob ko.
Today is our foundation week, libre ang lahat na pumasok sa school kaya naman dagsa lahat ng tao. Maging yung mga estudyanteng hindi na nagpaparamdam ay himalang nabuhay at kasalukuyang nililibot ang lahat ng klase ng booths na itinayo ng iba't ibang section.
I plan to spend this foundation week in the library, my safest haven. Pero Buwisit! Kung hindi lang dahil sa siraulong Keene na 'yon edi sana payapa akong nagbabasa ng libro sa library ngayon.
Matapos kong itaboy ang ilang taong nakaharang sa daanan ko, sa wakas ay narating ko na rin ang pinakaunahan at tinitigan ko si Keene ng masama hanggang sa maramdaman niya ang presensya ko.
'Panalangin, mapasaakin.'
He glanced at me then smiled innocently and mouthed 'Ang 'yong ngiti, ang 'yong halik.' Na parang sumasabay siya sa kanta.
I raised his bag na pinapakuha niya sa akin dahil naiwan niya daw sa classroom. Can you believe this guy? Ang laki laki na ng bag niya nalilimutan pa.
Nag-flying kiss siya sa akin at bilang sagot ay itinaas ko ang gitnang daliri ko and mouthed 'f**k you' na tinawanan niya lang.
'Hindi alintana ang tanging kailangan
Tayong dalawa'y magkasama
Sa hirap at ginhawa
Sa lungkot at ligaya'
University playlist, consist of five members na talaga namang tinitilian ng mga kababaihan. Dahil maliban sa may mga hitsura ang mga ito ay naguumapaw din sila sa talent.
Yhann Ezequias, the vocalist, heir of Ezequias empire na nagmamay-ari ng pinakatanyag na hotel and resort dito sa Pilipinas, but he still chose to pursue music instead of leading their company.
Zachariah, their bassist and Zacharias, the drummer. The Cervantes twin. Magkamukha sila pero hanggang sa mukha lang ang pagkakaparehas nila dahil magkaibang magkaiba sila ng ugali. Tahimik lang si Zachariah, madalang mong marinig nagsalita habang si Zacharias naman ay sobrang daldal. Isa sa mga talent niya ay kaya niyang magsalita ng limang oras, tuloy tuloy.
Si Zyd, pianist, so far ang pinakamatinong miyembro ng banda. Hindi tahimik, hindi rin naman madaldal. He's the prince charming of the band dahil sa aura niyang napaka-warm. He's kind, laging nakangiti kaya siya ang pangalawa sa pinakamaraming fans sa kanila.
Then ang pinakabalahura sa lahat. Hindi ko nga alam kung bakit nasali 'to dito e wala namang ka-talent talent. Si Keene, he's my childhood friend. Talent niya lang naman ay Kumakain ng kulangot, Charot.
He's the lead guitarist, guwapo naman siya pero lahat yata ng kalokohan sa mundo sinalo niya na. Wala siyang ginawa kung hindi guluhin ang nananahimik kong buhay.
Kagaya ngayon, nagp-perform sila tapos iniwan yung punyetang bag niya sa classroom at ang putang ina, ako pa ang inistorbo.
'Aking sinta, nabihag mo.
Itong puso ko.'
I rolled my eyes nang i-lip sync iyon ni Keene habang nakaturo pa sa akin na ikinatili naman ng mga babae sa likod ko. Nagtulakan pa sila kaya bahagya rin nila akong natulak.
Iritado ko silang nilingon saka tinignan ng masama at nang iniyuko nila ang mga ulo nila ay inikot ko na lang ang eyeballs ko.
Walang may gustong makipag-away sa akin dahil sa ginawa kong gulo nung first day of school ko bilang junior student. Senior ang nakaaway ko non pero walang senior-senior sa akin. Inapakan niya ang paa ko at alam kong sadya niya 'yon kasi maraming naiinis sa akin dahil laging nakadikit ang dimunyung si Keene sa akin.
Kaya ayon, sinampal ko sa kaniya yung spaghetti'ng kinakain ko saka kinaladkad palabas sa cafeteria at hinamon ko siyang makipagsabunutan sa field talaga. Simula non wala ng nagtangkang mam-bully sa akin.
Nang matapos mag-perform ang UP ay agad kong tinungo ang kinaroroonan nila saka sinuntok sa dibdib ni Keene yung bag niya.
"Sa susunod wag kang tanga ha. Ano ka 60 years old? Ang laki laki ng bag mo, makakalimutan mo?" Panenermon ko nang makababa sila sa stage.
"Opo, mama."
"Cance! May pagkain ka?" Salubong ni Zacharias at inakbayan pa ako na agad ko namang inalis.
"Puwede ba? Wag ka ngang feeling close." Saad ko. "Nasira ang magandang araw ko ng dahil sa inyo. Mga buwisit kay--" natigil ako sa panenermon ko nang makita kong palapit sa direksyon namin si Mike.
Yung guwapong Basketball player ng school namin na crush na crush ko.
"Hey." Bati niya. Agad namang lumapit yung lima sa kaniya saka nakipag fist bump habang ako ay parang napako sa kinatatayuan ko. "Ang galing niyo."
"Don't make me blush, bro." Saad ni Zacharias habang nakahawak pa ang magkabilang palad sa pisngi.
"ZYDDDD!!!" Nginitian ni Zyd yung mga babaeng tumawag sa pangalan niya saka bahagyang kumaway dahilan upang tumili ng malakas ang mga ito na ikinangiwi ko.
Naramdaman kong siniko ako ni Keene saka mapangasar na nginisian habang pasimpleng nginunguso si Mike. Inungusan ko lang siya pero agad din akong tumayo ng tuwid ng dumapo sa akin ang tingin ni Mike.
"MIKE!" Napalingon siya sa likod nang biglang may tumawag sa kaniya. Tinanguan niya ito bago muling bumaling sa amin.
"That's my team mates, I'll see you later." Paalam niya at bago siya umalis ay sumulyap ulit siya sa 'kin. Naramdaman kong siniko ako ulit ni Keene saka bumulong.
"Hinga, inhale, exhale." Tinignan ko siya ng masama saka sinuntok ang sikmura niya.
"By the way," nanigas ako nang marinig kong muli ang boses ni Mike. Humarap ako sa kaniya habang nanatiling nakayuko si Keene at hawak ang sikmura niya. "What happened to you?" Kunot noong tanong niya kay Keene.
"Sinuntok ng leon." Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Nawe-weird-uhang inalis ni Mike ang tingin kay Keene saka bumaling sa akin.
"I'm Mike." Holy s**t! Sakin siya nakatingin diba? Diba?!
"C-cance." I heard a 'pft' on my side kaya tinignan ko ng masama si Zacharias na nagpipigil ng tawa bagi muling bumaling kay Mike na ngayon ay kinakamot ang batok at parang hindi makatingin sa akin.
"I guess... I'll see you around?" Nahihiyang saad niya. Holy s**t! Ito na ba yon? Magkaka-love life na ba ako?
Pero teka... Kalma... Anong isasagot ko?
"Ahm, okay?" Ngumiti siya dahilan para magwala ang puso. Punyeta, wag kang malandi Cance. Kumaway muna si Mike sa gawi ko bago tuluyang umalis.
Kinagat ko ang labi ko pero hindi ko pa rin talaga mapigilan yung malaking ngiti ko. Nakangiti akong humarap sa limang ugok.
"Sinong may gusto ng milk tea?" Tanong ko at agad naman nila akong hinila patungo sa bilihan ng milk tea Baka daw kasi magbago isip ko.
Pasalamat kayo good mood ako.
------
Song used: Panalangin by Magnus Haven