Prologue
Ang malakas na sigaw ni mama ang unang bagay na bumungad sa akin pagbukas pa lamang ng mga mata ko.
"Christine Chan!" matinis na sigaw ni mama sa labas ng pintuan na may kasabay pang pagkatok.
"Bakit po?" naiiritang sagot ko bago binuksan ang pinto ng kwarto ko.
Anak naman ni lola 'tong si mama oh! Ang ganda-ganda na ng panaginip ko tapos biglang mang-gigising.
Hustiya nga po please!
"Bumangon ka na dyan! Ibigay mo 'to doon sa bagong tira dyan sa tapat natin." sabay abot sa akin ng bilao ng pancit. Ay wow, may pahanda si mama!
"Wala ako nito?" kunot-noong sagot ko bago tinaas ang hawak kong bilao. Tinaasan ako nito ng kilay bago sumagot sa akin.
"Kapitbahay ka ba?" tanong niya rin sa akin pabalik. Napanganga na lamang ako sa naging sagot niya.
Nice talaga. Anak ako tapos ako pa ang nawalan. Tsk!
Sinuklay ko lamang ang aking buhok gamit ang aking kamay bago lumabas ng bahay at pumunta sa bahay na nasa tapat namin.
Wala ng hila-hilamos, dyosa pa rin naman ako eh.
NAKAKAILANG doorbell na ako sa bahay na nasa harapan ng bahay namin kaso ay wala namang nagbubukas. Nang pakatitigan ko ang pintuan nila ay napansin kong nakaawang lamang ito kaya pumasok na lang ako.
Mukha namang walang tao kaya nagdire-diretso na ako sa kusina at pinatong sa lamesa ang dala kong bilao.
Papaalis na sana ako ng biglang kumulo ang tiyan ko dahil sa gutom.
Nagwawala na ang mga dragon sa tiyan ko. Ang bango pa naman ng pancit ni mama. 'Di bale na wala pa naman 'yung bagong lipat kakain muna ako rito.
"Ang sarap..." mahinang sabi ko pagkatapos kong makakain ng ilang sandok ng pancit. Konti lang naman ang ibinawas ko kaya hindi siguro nila mahahalata 'yun.
Nang mabusog ay nauhaw ako kaya pinakialaman ko na rin pati ref nila at doon ay nakakita ako ng dalawang tumbler. Ang cute nga eh! Isang Ironman at Mario, siguro may batang kasama ang mga lumipat dito.
Pwede kayang iuwi ko 'to? Joke lang baka sabihin pang magnanakaw ako.
Hindi naman siguro mapapansin ng may-ari na pinakialaman ko 'tong mga gamit nila dito diba?
Diba?
Bago pa ako makainom ay may narinig na akong boses na nagsalita.
"May magnanakaw. Call the police station!" rinig kong boses mula sa di kalayuan sa kinatatayuan ko.
Luh? Sino 'yun? Nagsasalita ba itong mga tumbler?
"Ang cute niya!" sabi ulit ng isang boses ngunit iba na sa una.
"Sino ka?!" napatingin naman ako sa mga taong nagsalita.
Hala s**t!
"Kim Seok Jin?! Kim Taehyung?! Park Jimin?!" gulat na gulat na sigaw ko habang nakaturo sa kanilang tatlo.
Oh, what is happening in this country? Is it for real?
"Sino ba 'yung sumisigaw dyan?!" sabi ulit ni...
"Jeon Jungkook?!" sigaw ko sa pangalan ng taong matagal ko ng pinapangarap ba makita.
Bakit nandito ang bias group ko?
Anong ginagawa nila dito?
Sila ba ang magiging bago naming kapitbahay?
What should I do now that BTS lives next door?