Good morning sunshine!
Good morning everyone!
It is a wonderful morning today. Wanna know why?
Because it is Sunday! I have a date today with God.
Bumangon ako agad mula sa akin pagkakahiga at pinakiramdaman muna ang akin sarili kung magaling na ba ako. Nang wala namang masakit ay pumasok na ako sa banyo para naligo.
Matapos maligo ay nagbihis agad ako ng isang dress na hanggang tuhod ko at nag-doll shoes na white.
"Ang cute ko talaga." nakangiting puri ko sa sarili ko sa harap ng salamin. Kinindatan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto ko.
"Good morning, Mama!" bati ko kay mama nang makita ko siyang nagluluto sa kusina.
"Good morning din. Kumain ka muna." sabi nito sa akin.
"Bakit po? Diba sa restaurant niyo tayo nakain pag-linggo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Lagi kasi kaming sa restaurant kumakain tuwing Linggo kasama 'yong mga tauhan ni mama.
"Sasama daw kasi sina Jin kaya kumain ka muna." sabi niya habang inaayos 'yong mga kuyertos sa lamesa.
"Talaga? Oh my god! Makakasama ko ng humarap si Jungkook babe kay Lord. Sign na ba ito na forever na kami? Kyaaaaa- Aray!" napatigil ako sa pag-dedaydream ko ng bigla akong batukan ni mama. Tiningnan ko naman siya ng masama bago napanguso.
"Magsisimba lang kasama sila, forever agad? Wala non, oy! Kumain ka na lang ng mahimasmasan ka." masungit na sabi nito sa akin. May asawa na't lahat-lahat bitter pa rin? Tsk.
Si papa kasi ayaw pang umuwi. Mas gusto pang kasama 'yong mga sardinas at shokoy kaysa sa amin.
**
Jin's POV
"Nasaan na ba si Jungkook at Jimin? Bakit ang tagal nila?" tanong ko kay Taehyung na naka-upo sa sofa habang naglalaro ng candy crush sa cellphone niya.
"Ewan ko sa kanila. Wala daw silang mapili na isusuot na damit..." sagot niya sa akin na hindi manlang ako tinitingnan.
"Ano? Magsisimba lang naman sila ah? Ano bang akala nilang pupuntahan natin?" hindi makapaniwalang sabi ko. Mga bata naman talaga oh. Napaka-aarte!
"Nagpapagwapo ata kay ChrisTintin..." sabi niya bago tumingin sa akin ng nakakaloko.
Natuluyan na ba ang kabaliwan nitong elyen na 'to?
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Sapalagay mo, hyung?" seryosong tanong niya sa akin. Sa halip na sagutin niya ako ay tinanong pa ako. "Tsk! May pagka-slow ka rin pala, hyung ano? Hindi ba halatang gusto nila si ChrisTintin?" dagdag niya sa sinabi niya.
"Alam kong may gusto si Jimin kay Cz. Pero si Jungkook? Imposible. Galit na galit kaya 'yon doon." nakairap na sagot ko sa kanya bago umupo sa tabi niya. Malayo pa sa katotohanan 'yong sinabi niyang may gusto si Jungkook kay Cz.
Sobrang layo!
"Wala ka kasing alam..." rinig kong bulong niya ngunit hindi ko naman naintindihan.
"Ano?" tanong ko sa kanya. Bubulong-bulong pa kasi eh. Ayaw na lang sabihin. Stress!
"Wala! Psh." sagot niya bago bumalik sa paglalaro ng cellphone niya.
Bakit ang sungit non ngayon? Napaka-moody talaga ng mga 'to!
**
Jimin's POV
Paglabas ko ng kwarto ko ay sakto namang lumabas din si Jungkook sa kwarto niya.
"Tsk!"
Ang laki talaga ng problema nitong lalaking 'to sa akin. Hindi ko na siya pinansin at bumaba na agad. Nakakahiya naman kina Tita Cynthia kung ang tagal namin.
"Bakit ba ang tagal niyong dalawa? Hindi na kayo nahiya." sermon agad sa amin ni Jin Hyung pagkababa namin. Meron ata siya ngayon. Tsk!
"Bagal kasi." rinig kong bulong ni Jungkook bago lumabas.
Tss. Parang siya hindi.
**
Christine's POV
Napatigil ako sa panonood ng Powerpuff girls sa TV ng biglang may nag-doorbell.
Bakit kaya ang doorbell lagi na lang Ding dong ang sinasabi? Pwede namang 'Ma-Rian' tutal asawa niya 'yn diba?
Ay ewan! Epekto na ata ng pagkakaroon ko ng lagnat 'tong kabaliwan ko.
At dahil may nag-dodoorbell syempre binuksan ko 'yong pinto. Kawawa naman 'yong doorbell namin pagna-murder kakapindot.
Isang napakagwapong nilalang lang naman ang nakita ko pagbukas ko ng pinto.
Isang lalaking naka-checkered na red, white, at black na longsleeves na tinupi hanggang siko at naka-faded jeans.
Wow! Why so hot, babe?
"Are you done checking me out, babe?" nakangising tanong nito sa akin.
Anong sabi niya? Babe? Babe daw? Babe!
Pero teka? Tinititigan ko ba siya? Tiningnan ko lang naman suot niya ah.
"T-Tiningnan ko lang naman ang suot mo." nahihiyang sabi ko sa kanya. May hiya pala ako. Kaloka!
"Okay sabi mo eh. Magaling ka na ba?" tanong niya sa akin habang nakangiti. Ngumiti rin naman ako sa kanya. Nakakahawa kasi 'yong bunny smile niya.
"Oo. Thank you kahapon. Nasaan na nga pala sina Jin at V? Si Jimin?" tanong ko sa kanya bago tiningnan kung may tao bang mga nakasunod sa kanya.
"Ako na nga ang nandito iba pa rin ang hinahanap mo..." mahinang sabi nito. Teka? Hugot ba 'yon?
"Huh?"
"Wala. Baka susunod na rin 'yon." sagot niya bago ako inirapan.
"Ahh... Halika ka pasok ka muna." sabi ko bago binuksan ng malaki 'yong awang ng pinto.
"Saan?" nakangising tanong nito.
"Anong saan? Malamang dito sa pinto. Anong trip m-" hindi ko naitinuloy 'yong sasabihin ko ng bigla siyang maintindihan ko ang pagngisi niya sa akin.
"Ang p*****t mo!" sigaw ko bago siya hinataw sa braso.
Ay s**t! Muscles.
"Sadyang inosente ka lang." nakangiti niyang sabi bago pumasok. Iniwan akong namumula dahil sa pinagsasabi niya.
"ChrisTintin!" napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si Taehyung na tumatakbo papalapit sa akin.
"Hello, V. Good morning." nakangiting bati ko sa kanya. Ngumiti rin ito sa akin bago ako tinanguan. "Nasaan sina Jin?" tanong ko naman.
"Kinukuha 'yong van. Doon na lang daw kayo sumabay." nakangiti ring sagot niya. Napatango naman ako dahil doon.
"Ahh! Ano... Ahm, punta ka muna sa loob nandoon na si Jungkook." naiilang na sabi ko sa kanya. Tumango naman ito at pumasok na sa loob.
Shit ka, Jeon Jungkook! Ayoko na tuloy gamitin 'yong word na 'yon.
"TITA Cynthia, sorry talaga kung bakit ang tagal namin." hinging paumanhin ni Jin kay mama ng makita niya ito.
"Naku. Okay lang!" nakangiting sabi ni mama sa kanila.
Nandito na kami ngayon sa van. Katabi ko si mama tapos katabi ni Jin si Taehyung. Kaya 'yong JiKook ang magkatabi sa likod.
Oo, nagseselos ako. Bakit ba feeling ko mas maganda pa ang tingin ni Jungkook kay Jimin kesa sa akin.
Duh! Wala naman siyang papasukan doon.
What? Ang p*****t ko na rin. Gosh! Magsisimba pa naman ako.
Erase, erase, erase. Wala kang sinabing ganon, Christine.
Wala.