Chapter 42

469 Words

Christine's POV Ang lambot ng unan ko kaso bakit ang sikip ng hinihigaan ko? Minulat ko ang aking mga magandang mata at nakita kong wala ako sa bahay o kahit sa hotel room ko. Tanga! Nasa ospital ka diba? "Gising na pala si sleeping beauty." Napatingin naman ako sa nagsalita. "Jin?" nagtataka kong tanong habang pumupungas-pungas pa. "Ano natulog ka lang nagka-amnesia ka na?" natatawang tanong niya sa akin bago ako pinitik sa noo. Ay! Siya nga pala ang kasama ko kagabi. Sapilitan pa nga niya akong pinatulog. "Sleeping beauty, pwede bang tumayo ka na at ngalay na ngalay na ang hita ko." natatawang sabi niya sa akin. Napabalikwas naman agad ako ng upo dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin nakahiga ako sa legs ni Jin magdamag? Patay ako kay Noelyn nito. "Sorry." nakatungong sabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD