Chapter 9

515 Words
Pagkasabing-pagkasabi ko noon ay agad akong tumakbo palabas ng bahay nila. Ang sakit kasi na 'yong lalaking matagal ko nang hinahangaan at minamahal ay sinabihan ako ng ganoong bagay. All my life, walang taong nagsalita ng ganoon sa akin. Oo, simpleng fangirl lang ako pero hindi ko naman deserve marinig ang mga bagay na iyon. Hindi naman niya kilala kung sino ako bilang Christine. He just know me as their fangirl. "Christine! Christine!" Hindi ko na pinag-abalahang lingunin ang taong tumatawag sa pangalan ko. Para saan pa? Para sa masasakit na naman na mga salita? Ayoko na sa kanila. Ayoko na sa grupo nila. "Christine, wait!" Naramdaman ko na lang na may humila sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Lalo lang akong napaiyak dahil doon. Dati pag naiyak ako ang mga kaibigan ko lang, si mama, at si JK ang yumayakap sa akin pero ngayon ay pati si Jimin na din. "Shhh... tahan na! Sige ka lalo kang mawawalan ng mata." Pagpapatawa niya sa akin pero walang epekto. Ang sakit naman kasi ng pinagsasabi sa akin ni Jungkook eh. Hindi bilang idol o bias pero bilang tao. Tao lang din naman siya pero grabe siya manapak ng pagkatao ng iba. "Ayoko na! Ayoko na sa kanya! Ayoko na sa inyo!" sigaw ko sa kanya kaya ihinarap niya ko sa kanya. "Bakit ganyan kayong mga babae? Isang lalaki lang naman ang nanakit at may kasalanan sa inyo pero nilalahat niyo kami. Parang ikaw, si Jungkook lang naman ang nagsabi sa'yo ng masasakit pero idinadamay mo kami. Hindi niya kami katulad, Christine. Kung ayaw niya sa'yo pwes ako gusto kita..." mahabang sabi nito sa akin habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. "H-Huh?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. Para naman itong biglang natauhan at nag-iwas ng tingin mula sa akin. "Ano... Gusto ka namin nina Jin Hyung. Ang bait mo kasi tapos ang sipag mo!" natatarantang sagot niya sa akin. "Ah..." "Wag ka ng umiyak ha? Sayang ang pagiging cute mo." sabi niya habang pinupunasan 'yong luha ko sa pisngi. "Ako na humihingi ng sorry para sa ginawa ni Jungkook kaya please. Wag ka ng magalit sa group namin... Please." sabi niya habang nagpapa-cute. Kinurot ko naman ang pisngi niya at pinanggigilan ito. "Ang cute talaga ng mga mata mo." nakangiting sabi ko sa kanya. Gulat na gulat naman itong lumayo sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Mata lang?" nakangusong tanong nito. "Oo eh!" natatawa kong sagot pero syempre joke lang 'yon 'no. Lahat naman sa lalaking 'to gwapo eh. "Grabe ka!" nakanguso pa niyang sabi. "Joke lang. Pero thank you, Jimin. Sana nga ikaw na lang ang nagustuhan ko..." ** Someone's POV Mali ako pero nasaktan ako eh. Akala ko dati kahit na lumayo ako hindi mo ako kakalimutan? Naghihiganti ka na ba sa akin ngayon? Kasi kung oo, nagtagumpay ka na. Kasi masakit. Kasi kinalimutan mo na ako. Masakit makita na 'yong dating lagi mong kasama ngayon ay may iba na. 'Ylng dating ikaw lang ang nagpapangiti sa kanya pero ngayon marami na kayo at noong dati ikaw lang ang nagpapatahan sa kanya pero ngayon may iba na. Pero alam niyo 'yong mas masakit? 'Yong makita mong nasasaktan 'yong taong iniinggatan mo dati ng dahil sa'yo. I'm sorry, Zeyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD