Posible ba na siya 'yon?
Siya kaya si JK? Pero bakit hindi niya na ako kilala?
"Baka naman natuwa lang siya sa pangalan kong Zeyon." pangungumbinsi ko sa sarili ko.
"Hey!" tawag sa akin ng kung sinuman kaya napasigaw ako sa gulat.
"Ay kalabaw mong malaki!" malakas na sigaw ko. Tiningnan ko naman ng masama ang minion na nasa harapan ko.
"Pfft! Oh, kain ka muna. Si Jin Hyung nagluto niyan." natatawang sabi sa akin ni Jimin habang lumalapit. Ipinatong naman niya sa side table ang hawak niyang tray.
Inirapan ko lamang siya at binato ng una. Lakas mang-trip!
"Tawa pa! Psh." mataray na sabi ko sa kanya. "But thank you." nakangiting dagdag ko pa.
"Ano ka ba. Wala 'yon basta ikaw!" sabi niya sabay kindat.
"Like eww, Jimin." natatawang sabi ko.
"Wow ha! Ang gwapo ko kaya." hindi makapaniwalang sabi niya.
"Alam ko. Nag-jojoke lang naman eh." natatawang sabi ko bago inumpisahang kainin 'yong sopas na niluto ni Jin.
Grabe ang sarap!
Napatigil ako sa pagkain ng biglang humagalpak ng tawa si Jimin. Tiningnan ko naman siya ngunit mas lalo lang lumakas ang tawa niya.
Luh? Na-abno na naman 'to.
"Bakit ka na naman natawa, Jimin?" nakakunot-noong tanong ko.
"Ang amos mo kasing kumain!" tumatawang sabi niya sa akin.
"Grabe ka ha!" sabi ko habang pinunasan 'yong pisngi ko.
"Hindi dyan... Dito oh." sabi niya sabay punas sa labi ko. "Ang takaw kasi." bulong niya pa habang nakatitig sa mga mata ko.
"T-Tse! Hmp." nakairap na sabi ko sa kanya para mapagtakpan ang pagngiti ko.
Maawa naman sila sa puso ko.
"Uy! Si Christine kinikilig..." natatawang pang-aasar niya sa akin.
"Anong kinikilig? Asa ka, uy!" nakairap na sabi ko sa kanya.
"Defensive much!" tumatawang sabi niya. Mabulunan sana siya sa sarili niyang laway. Kanina pa tawa ng tawa eh.
"Ewan ko sayo, Chimchim!" singhal ko sa kanya bago inirapan.
"Ang cute palang pakinggan na tawagin mo ako sa nickname ko." nakangiting sabi niya sa akin. Umirap lang ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Bukod doon ay gutom din ako kaya inuna ko na ang pagkain.
"GUYS, maraming salamat talaga. Promise pagmagaling na ako babawi ako sa inyo." nakangiting sabi ko sa kanilang apat.
Uuwi na kasi ako. Pinipilit pa nga nilang ihatid ako kaso sabi ko sa tapat lang naman ang bahay ko at kaya ko na ang sarili ko.
"Eh! ChrisTintin, kasi." pag-ungot ulit ni Taehyung.
"Oh, bakit na naman?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Hatid ka na kasi namin. Please!" nag-puppy eyes pa siya sa akin habang sinasabi iyon.
"Oo nga, Cz. Baka kung ano pa mangyari sayo sa labas." pangungumbinsi rin ni Jin sa akin.
"Dyan lang naman ako sa tapat eh." nakangiting sabi ko sa kanila.
Haist. Ang kukulit talaga.
"'Yun na nga eh. Taga-dyan ka lang naman sa tapat tapos ayaw mo pa magpahatid." sabi naman ni Jimin sa akin sabay irap.
Pinatutulungan ata ako ng mga ito eh.
"Pahatid ka na kasi..." sabat pa ni Jungkook.
Naguguluhan pa rin talaga ako dito kay Jungkook.
Tinde ng mood swings niya!
"Okay fine! Ihatid niyo na ako ng matigil kayo." sabi ko at naunahan pa nila akong lumabas ng bahay nila. Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko doon si Ella na nakaupo sa sofa.
"Nay!" sigaw niya agad ng makita ako.
"Ella?"
"ChrisTintin, pagaling ka kaaga-" hindi na natapos ni Taehyung ang sinasabi niya ng sumigaw bigla si Ella.
"Kim Taehyung?!" nanlalaking matang sigaw ni Ella habang nakaturo pa kay Taehyung.
Oh s**t!
"Shh! Wag kang maingay, Ella." pagpapatahimik ko sa kanya.
"Oh my gosh! Nay, nanaginip ba ako?! Tell me, nay!" nag-hihisterikal na sabi ni Ella habang niyuyugyog ako.
"W-Wait! ChrisTinTin, may anak ka na?" nagtatakang tanong sa akin ni Taehyung habang nakaturo pa kay Ella.
Napa-facepalm na lang ako. Like seriously?
Binalingan ko si Taehyung bago sinagot ang tanong niya.
"She's not my daughter pero anak-anakan ang turing ko sa kanya."
"V, wag ka ngang makulit mabibinat sa'yo si Christine eh." saway ni Jimin sa kanya.
"Hala! Nay, may sakit ka? Anong ginawa ng mga 'to sayo? Ano resbakan na ba natin?" maangas na sabi ni Ella habang itinataas ang mangas ng t-shirt niya na para bang makikipag-away.
"Chill ka nga, Ella. Guys, this is Ricaella isa siya sa mga kaibigan ko. V biased siya." pagpapakilala ko kay Ella habang nakangiti sa kanila.
"Oh my god! I'm Ella nga pala. Nice to meet you!" ngiting-ngiting sabi ni Ella habang nakalahad ang kamay sa harap nina Jin.
"Hello, I'm Kim Seok Jin." nakangiting sabi sa kanya ni Jin bago tanggapin ang kamay ni Ella na nakalahad.
"Shems! Kilala kaya kita. Ikaw ang visual ng BTS!" masayang wika nito kay Jin.
"Annyeong haseyo! Jimin-imnida." nakangiti ding pagpapakilala sa kanya ni Jimin.
"Hello, Chimchim!"
Napatingin naman ako kay Jimin dahil sa tinawag sa kanya ni Ella. Sakto namang tumingin din siya sa akin at ngumiti.
"Jungkook." simpleng pagpapakilala ni Jungkook.
Aba! Cold na naman?
"My long lost father!" nagtatatalon na sigaw ni Ella. Siniko ko naman si Ella dahil sa sinabi niya.
"Ops..." napakahawak siya sa bibig niya at nagpeace sign.
"Kailan pa ako nagkaanak?" natatawang tanong ni Jungkook. "At sinong nanay?" tanong niya pa bago bumaling sa akin.
Oh s**t! Oh fck!
"Si nay!" sagot ni Ella sabay turo sa akin.
Ang daldal talaga ng babaeng 'to.
"Sinong nay? Si Zeyon?" tanong pa ni Jungkook na nagpipigil ng tawa.
"O-Oy. Kapal ah!" nauutal na sabi ko sa kanya.
"Bakit? Edi ba ikaw nanay niya tapos ang tawag niya sa akin tay. So, it means your my wife." nakangising sabi nito sa akin bago kumindat.
That's not a question, it's a statement. It means okay lang sa kanya na maging asawa ako?!
Bago pa ako tuluyang mamatay sa kilig ipinakilala ko na muna si Ella kay Taehyung.
"Taehyung, si Ella nga pala." sabi ko bago bumaling kay Taehyung.
"Hello, V! Super saya ko talaga kasi nakita na kita sa personal! I'm Ricaella nga pala." ngiting-ngiti na pagpapakilala ni Ella sa sarili niya.
"E-Ella."