Chapter 15

674 Words
Christine's POV Hindi pa ako nakakatagal sa may park ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. "s**t! Wala akong payong." mahinang bulong ko sa sarili ko. No choice ako kaya tumakbo na ako agad para makarating sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay alas-syete na ng gabi. Buti na lang at wala pa si mama kung hindi ay papagalitan na naman ako non. Umakyat na ako agad sa kwarto ko at naligo. Paglabas ko galing sa banyo ay nagpalit agad ako ng pantulog at humiga sa kama ko. Tumitig ako sa kisame na siyang natitirang walang kahit na anong posters at dahil na rin sa pagod ay nakatulog na lang ako bigla. NAGISING ako dahil sa mahinang pagyugyog sa akin. "Christine, gumising ka dyan at kumain." rinig kong boses ni mama. Hindi ko siya pinansin at tumalikod sa kanya. "Bukas na... Inaantok na ako. Ma, pakipatay na rin po ng aircon giniginaw ako eh." sagot ko kay mama bago nagtaklob ng kumot sa buong katawan. "Sige. Goodnight." "Goodnight, Ma. Love you!" MAAGA akong nagising kinabukasan dahil sa sobrang panlalamig tapos ay gutom na gutom pa ako. Bumangon na ako kahit hindi pa ako naliligo. Eh sa giniginaw ako eh tapos medyo nahihilo pa ako. "Oh, bakit namumutla ka?" tanong agad sa akin ni mama ng makita niya ako. "Wala manlang bang good morning?" natatawang sabi ko kay mama. "Wala akong sa mood makipagbiruan ngayon, Zeyon." seryosong sabi ni mama sa akin. Hindi na ako namilosopo pa dahil alam kong seryoso si mama. Zeyon tinawag niya sa akin eh. "Baka gutom lang po." pagdadahilan ko na lamang. "Sabi na kasing kumain kagabi." pagsesermon nito sa akin. Umupo na lamang ako sa katapat na upuan ni mama at ininom yung gatas ko. "Bilisan mo na at pumunta ka na sa tapat. Mag-gegeneral cleaning daw sila dahil sobrang dumi na ng bahay nila." napatigil naman ako sa pag-inom ng gatas ko. "Ayoko nga! Bahala sila roon." mabilis pa sa alas-kwatro na sagot ko. "Ayaw mo na ng ten-" hindi ko na pinatapos si mama sa sasabihin niya dahil sawang-sawa na ako sa pang-uuto niya. "Oo, Ma! Ayoko na. Nakaka-stress silang kasama lalo na si Jungkook. Psh!" naiinis na sagot ko sa kanya. Umiinit talaga ang dugo ko pag naaalala ko si Jungkook. "Anyare na sayo?" nagtatakang tanong ni mama. "Wala po..." "Naku! Kaawa-awa naman pala 'yung apat doon. Mga hindi pa naman sanay maglinis." malungkot na sabi ni mama. Alam ko namang kinokonsensya lang ako ni mama pero dahil mabait ako... "Tsk! Sige na nga po. Liligo lang ako." napipilitang sagot ko sa kanya. Tinapos ko na agad ang pagkain ko at umakyat sa kwarto para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nag-shirt at jogging pants ako para maibsan ang ginaw na nararamdaman ko. Ayoko naman sabihin kay mama kasi papagalitan lang ako non. Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa tapat. Hindi pa ako nag-dodoorbell, nakikiramdam pa ako baka kasi makakapatay lang ako pagpasok ko sa letseng bahay na 'to. "Psh." I was about to push the doorbell button when someone opened the door. "Ano na naman?!" bungad agad nito sa akin. "Wala akong ginagawa sayo, Jungkook. Hindi ikaw ang pinunta ko dito." walang emosyon na sabi ko sa kanya bago siya nilampasan at pumasok sa loob ng bahay nila. "Cz?" takhang sambit ni Jin. Nakita ko silang tatlo na naglilinis sa may salas. "Tulungan ko na kayo?" ngumiti naman sila sa akin at tumango. NAGLILINIS na kami ngayon sa may garden dahil tapos na kami maglinis sa loob. "Christine, okay ka lang ba? Namumutla ka na." tanong sa akin ni Jimin. "O-Okay lang a-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko bigla na lang nagdilim ang paligid ko. ** Jimin's POV "Christine!" sabay-sabay namin sigaw nang natumba siya sa damuhan. Pupuntahan ko na dapat si Christine ng bigla na lang lumapit sa kanya si Jungkook at binuhat siya. Iniwan na niya kami sa labas habang buhat niya papasok si Christine. "Anyare doon?" tanong bigla ni Taehyung habang nakasunod ang tingin kay Jungkook. "Ewan ko." sagot sa kanya ni Jin Hyung. "Tsk! Pumasok na lang tayo baka kung ano pang mangyari kay Christine." sabi ko sa kanila at nauna ng pumasok sa loob. Ano bang problema mo Jungkook? Akala ko ba ayaw mo kay Christine pero bakit mo siya tinulungan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD