Nandito na ako sa salas namin at nagpauli-uli sa paglakad dahil kinakabahan ako. Paano kung hindi niya magustuhan ang itsura ko? "Ay kalabaw mong malaki!" gulat na sabi ko dahil biglang may malakas na prumeno sa harap ata ng bahay. Napatingin naman ako sa cellphone ko na nag-vibrate bigla. From: Myungsoo Baby Hi, Zeyon. I'm already here outside your house. Ibig sabihin si Myungsoo 'yong na busina? Agad akong lumabas ng bahay dahil nakakahiya namang paghintayin ang aking prince charming. "Hi." bati ko agad sa kanya nang makita ko siya sa harap ng sasakyan niya. Gwapong-gwapo ito sa simpleng suot na v-neck t-shirt na pinatungan ng isang leather black na jacket at kulay cream na pantalon. "You look gorgeous, Zeyon." nakangiting sabi niya matapos akong tignan. Napatungo naman ako

