"Huy! Anong tinitingnan mo d'yan?" tanong sa akin ni Noelyn na nasa likod ko na pala. Nilingon ko siya at umiling lamang. Hindi ko manlang napansin na nasundan na pala niya ako. "W-Wala. Tara na, kumain na lang tayo doon." sabi ko sabay hila sa kanya pabalik sa table namin. Habang pabalik sa lamesa namin ay napapaisip pa rin ako. Bakit wala akong matandaang naaksidente ako? Tatanungin ko na lang siguro mamaya si mama. GABI na naman kaya nandito ako sa labas ng bahay namin at nakaupo habang nakatingin sa mga bituin. Ang payapa nilang tignan. Sobrang peaceful. "Huy!" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Jimin na nakangiti sa akin. "Jimin..." "Gabi na ah? Bakit nasa labas ka pa?" tanong niya sa akin bago tumabi sa kinauupuan. "May iniisip kasi ako." nakangiwing sagot ko sa

